Chapter 43: Miss Bandaid

1.1K 22 3
                                    


JISOO's POV

"Nasaan si Lisa?" Tanong ko dun sa mga bugok.

"Ewan ko don? Nung nakaraan pa yun busy." Sagot ni Bambam na busy sa phone.

"May pinagkakabusyhan nanaman kaya di nagpapapasok." Sagot ni Kookie na busy din sa phone.

"Ano naman pinagkakaabalahan nung bugok na yon?" Tanong ko.

"Babae, malamang." Sagot ni Jin na nakatitig pala sakin. Siraulo talaga tong lalaking to e! Pag naaalala ko yung pantitrip nya nung nakaraan nandidiri talaga ako! Hays.

"Wag kang tumitig!" Pag susungit ko.

"Bakit? Baka matunaw ka?" Tanong nyang nakangisi.

"Kadiri ka Jin! Teka, Anong pinag sasabi mo na busy si Lisa sa babae?" Tanong ko Saka naupo sa tabi nila. Nandito kasi kami sa room nila. Wala kasi akong klase ngayon Kaya makikiseat in nalang muna ako.

"Ah. Hindi mo pa alam? Bumabalik na yung dating Lisa." Sabat ni Bambam.

"Babaero na sya ulit? Kailan pa?" Tanong ko.

"Hindi pa naman masyado. Nung nakaraan lang." Sagot ni Kookie.

"Paano nangyare yun?" Naguguluhan kong tanong. Hindi naman ganun kadali na mag move on? Paanong nagagawa na ulit ni Lisa na makipag flirt kung kanikanino?

"Nakatambay kasi kami sa garden ng school nung nakaraan. Eh, may lumapit na babaeng kilig na kilig sakanya. Tapos nag papicture. Natuwa naman ang loko. Sabi pa nga nya.. "Namiss ko yung ganto ah?" Tapos simula nun, isang buong araw na kaming tumambay lang sa school para mag hunt ng babae nya." -kwento ni Jin.

"Hindi kami nakapasok ng isang buong araw dahil sakanya." Sumbong ni Bambam.

"Tapos kahapon, pumasok lang sya ng isang subject tapos lumabas na ulit. May lakad daw sya." Kwento pa ni Jin.

"At ngayon, mukhang hindi yata papasok ang loko." Sabi ni Kookie.

"Wala pa ding palya sa chicks ang itsura nung babaeng yun." Kumento ko.

"Sinabi mo pa!" Pag sang ayon ni Jaims.

Dahil busy naman sila sa phone, Nag labas na din ako ng phone para hindi ako mukhang tanga na nakatunganga sakanila.

*1messagereceived

Agad ko namang binasa yung message.

FROM: Rosé

Ateeeeee! Nasan ka?! Kasama ko si ate Lisa ngayon. May kasama syang babae. Waaaaah!

~
Pag kabasa ko nyan, tinawagan ko na agad si Rosé.

"Saan kayo?" Tanong ko ng sagutin nya.

"Dito sa garden ate. Waaah! Mababaliw na ako dito. Samahan mo koooo! Sama mo na din sina Kuya Kookie." Sabi nya sa kabilang linya.

"Osige. Papunta na kami." Sabi ko Saka inend yung call.

"Oh? Sino yun?" Tanong ni Jin.

"Si Rosé. Hmm, kasama nya si Lisa pati yung girl. Tara na guys! Kailangan kong makilala yang babae nya!" Sabi ko Saka na tumayo. Wala pa din kasing prof. 30 minutes nang nakakalipas. Kaya gogora na kami!

"Tara." Sabi ni Kookie Saka na tumayo at Nag lakad palabas. Kasunod naman kaming tatlo.

.

.

Pag dating namin sa garden, agad kong nakita si Rosé.

"Ateeee Jisooooyaaaaa! Waaaah." Bungad nya sakin Saka ako niyakap.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon