Chapter 39: Irene's move

1.1K 23 0
                                    




LALISA's POV


Nang magising ako, nasa kwarto na pala ako. Paano ako nakauwi?

Tinignan ko na agad yung orasan. 8:36am na pala. Sinubukan kong bumangon. Kaso nanghihina pa ako e. Kaya, nasandal nalang muna ako sa headboard.

END OF FLASHBACK

Ayan ang dahilan kung bakit may sakit ako ngayon.

Napansin ko yung tela sa sahig. Inabot ko yun at naalala ko nanaman ang nangyare kagabi.

Ito yung suot ko nang makita ko sya, na kapareho din ng suot nya. Pinaglaruan ng kamay ko yung tela.

Dinadama ko yung oras na kasama at kausap ko sya.

Paano nga ba umabot sa gan'to ang lahat?
Sa simpleng pakikipagkaibigan, nahulog na lang bigla ng hindi inaasahan.
Sa simpleng tawanan, nauwi sa pagkakamabutihan.
Ngunit ng ika'y simulang ibigin na, ako ay iyong iniwasan na.

Ako ma'y nasasaktan, pilit pa ring lumalaban.
Pagibig ko sayo'y aking paninindigan.

Ikaw ma'y saakin lumayo, palagi pa rin tayong pinag tatagpo.

Pinaglalaruan nga lang ba ng tadhana o sadyang tayo talaga ang nakatakda?

"Ang aga aga, tag drama kana naman!" Nabalik ako sa Earth ng marinig ko yun.


"Irene? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.


"Nabalitaan ko na nagkasakit ka, Kaya dinalaw kita." Sagot nya.

"Saka dinalhan din kita ng cupcakes, ako nag bake nyan. Mapapagaan nyan pakiramdam mo." Sabi nya saka pinatong sa side table yung dala nya at naupo sa gilid ng kama. Nasa dulo sya, sa paanan ko banda.

Umayos sya nang upo at humarap sakin. Nakatingin sya sa hawak kong tela.

"Ah, yung sweatshirt na grey. Hay nako Lisa. Kahit anong effort ang gawin mo para sakanya, kung di naman ikaw ang mahal nya. E wala ding kwenta." Dirediretso nyang sabi.



Sabi nya saka na lumabas ng kwarto ko. Hindi na kasi ako nag salita, ayoko ng pahabain pa yung usapan.

Nag pahinga nalang ako.


.

.

"Lisa, gising na. Kumain kana muna ng tanghalian." Nagising ako sa boses na narinig ko.

Pag dilat ko, nakita ko si Papa, nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Espesyal ang tanghalian mong ito." Nakangiting sabi pa nya.



"Bumangon kana dyan at pumunta kana sa baba." Dagdag nya saka na lumabas ng kwarto.


Nag ayos naman ako, saka na bumaba. Pagkarating ko sa dining table, may nakahain ng pagkain. Mukhang masarap o sadyang gutom lang ako?


"Maupo kana Lisa, kainin mo yan. Wag mo lang titigan." Napalingon naman ako sa nag salita. Galing syang kusina, May dalang bowl ng sabaw.

"Irene??" Naguguluhan kong tawag sa pangalan nya.


"Oh, gulat kana naman? Hays. Oo, ako nag luto nyan. May sakit ka kasi kaya naisipan kong lutuan ka ng ilang pagkaing alam kong magugustuhan mo." Nakangiti nyang sabi.


"Ow, ang sweet naman." Sabi ni kuya na wala man lang reaksyon yung mukha.

Umupo na sya sa upuan. Saka dumating si papa.




I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now