Chapter 79: 2 Days

1.4K 32 1
                                        



JENNIE's POV


Tapos na ang klase ko pero hindi pa rin nag paparamdam si Lisa. Hindi ko pa rin sya nakitang pumasok. Pati sila Jin wala din. Nasan na kaya yung mga yon??

"Hey, Jen. Mag isa ka?" Napalingon naman ako sa nag salita.

"Uy Jisoo. Inaantay ko kasi si Lisa. Hindi pa nag paparamdam mula pa kaninang umaga." Sagot ko.

"Ahh, hindi yata papasok e. Saka asan bestie mo?" Tanong nya.

"Umuwi na. Sabi ko, hindi muna ako sasabay sakanya." Sagot ko.

"Teka, bakit hindi papasok?" Dagdag kong tanong.

"Hindi ko alam e." Tipid na sagot nya at sabay na kaming nag lakad pababa sa Ground Floor.

"Si Rosé ba, wala pa din?" Tanong ko. Hindi lang ako mapakali, gusto kong masigurado na okay lang si Lisa.

"Wala pa din e. Tinatamad na tuloy akong pumasok. Haha." Natatawang sabi nya.

"Ay, pumasok ka." Sabi ko.

"Katamad e. Tara, para makampante kana, puntahan nalang natin." Nakangiting sabi ni Jisoo.

"E baka wala naman sila dun?" Paninigurado ko.

"Tawagan mo, sasagutin nya naman yan. Tanong mo kung nasan sya." Utos nya.

"Sige." Pag sang ayon ko at di-nial ko na yung number ni Panget.

Naka dalawang ring lang at sinagot nya naman na yun.

"Hello, Jen. Ay sorry, hindi pala kita nasabihan. Hindi ako papasok ngayon. Dito ako sa bahay, may inaasikaso lang." Dire-diretso nyang sabi pag kasagot nya nung tawag ko.

"Ahh, pinapatanong lang ni Jisoo. Pwede ba kaming pumunta dyan?" Tanong ko. Hindi na muna ako nag sungit. Mukhang maaga pa lang pero pagod na pagod na yung Panget na yun.

"Ahm? Kayo ni Jisoo? Dito? Hmm, sige po." Parang hindi makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Ayaw mo ba?" Tanong ko.

"Hindi naman. Nagtatanong lang po."  Sabi nya.

"Uy, bro. Mag ayos muna kayo dyan. Pupunta daw sila Jennie." Rinig kong sabi nya sa mga kasama nya. Mukhang nandun sila Jin.

"Sige, tawagan mo nalang ako kapag malapit na kayo ah. Para masundo ko kayo sa taas." Dagdag nya pang sabi sakin.

"Sige." Sagot ko lang.

"Okay, bye bye. Ingat ka Sungit Ko." Paalala nya at inend ko na yung call.

"Anong sabi?" Tanong ni Jisoo na nag aabang ng sasabihin ko.

"Okay lang daw." Sagot ko.

"Nandun yata sila Jin e." Dagdag ko.

"Narinig mo?" Tanong nya.

"Narinig ko si Lisa na nag sabing mag ayos daw, kasi pupunta daw tayo." Sagot ko at tuloy lang kami sa pag lalakad.

"Ay! Hala! Bobo mo talaga Jisoo. Oo nga pala, may usapan sila ngayon. Tsk!" Malakas at pahina ng pahinang pagkakasabi ni Jisoo. Na rinig ko naman.

"Anong usapan?" Tanong ko nang makasakay kami.

"Ahh, hehe. Ano, usapan. Na magkikita sila ngayon. Oo yun nga." Sabi nya na parang may hindi sya dapat sabihin sakin.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now