Chapter 72: Night with you

1.8K 28 4
                                    



BAMBAM's POV

"Ang tagal naman nila." Sabi ni Lisa na sigeng dial sa phone.

"Ang kulit kasi. Ayaw mag pasundo." Naiinis na sabi ni Jungkook.

Sino tinutukoy nila? Sino pa ba--

"Miss mo na agad si Irene?" Sabat ni Jin.

"Hindi ah. Baka mapano sila. Gabi pa naman." Pag dadahilan naman nung isa. Mula kasi ng umuwi kami galing San Francisco, unti unti ng nag bago yung pakikitungo ni Jungkook kay Irene. Pero wala man lang syang sinasabi samin kung hindi na ba sila mortal enemy.

"Kailangan mong ikwento samin yan Jungkook." Sabi ko saka tumungga sa baso ko ng alak. Nasa bar kasi kami ngayon. Nag celebrate kami kasi sa wakas naayos na ang lahat saming walo. Nag sisi na ang mga dapat mag sisi. Nag patawad na ang mga dapat mag patawad. At umamin na ang mga dapat umamin.

Maliban kay Jennie at Lisa kasi may loveteam din na nag level up. Haha. Hindi ko sinasabing si Jin at Jisoo yun pero parang ganun na nga.

Yung samin kasi ni Rosé tagilid pa dahil sa ate nyang overprotective e. Pero malay nyo naman mag bago isip ng kaibigan ko na yan dahil may Jennie na sya.

"Wala naman akong dapat ikwento. Yan, si Jin at Jisoo ang meron." Pag tuturo ni Jungkook na nakangiting nakakaloko.

"Kami? Bro Lis. Yang si Bambam dumidiskarte na sa kapatid mo." Pag susumbong ni Jisoo. Kahit kailan talaga ayaw mag patalo.

"Uy, hindi kaya." Sabi ko na winawagayway yung kamay sa harapan ko. Tsk. Bumalik sakin ang pang aasar ko. Hays.

"Nag laglagan lang kayo e. Mga hindi tunay na magkakaibigan! Hahaha." Sabi ni Lisa at nag tawanan kami. Buti nalang talaga nasa mood ang taong to. Thank you ng marami sayo Jennie! Ikaw ang kailangan ko para maging okay sa unggoy na to yung relasyon namin ni Rosé--teka. Wala pa lang kami.


"Kayo ah. Naiwan lang kayo sa San Francisco ang dami na nangyare. Ikwento nyo sakin yan. Lalo na ikaw Bambam." Seryosong sabi nung unggoy. Napalunok naman ako kasi may pag turo pa sakin. Hays. Lagot na.

"Lagot ka kay ate Lis." Pang aasar ni Chipmunk. Napakamot nalang ako sa batok ko e.

"Ikekwento naman namin sayo Lisa. Pero sa mga susunod na araw na. Wag na muna ngayon. Mag celebrate muna tayo sa pagkakaayos ng lahat!" Sabi ko at nag taas ng baso. Yan! Lulusot muna ako ngayon.

"Hindi nyo na kami naintay?" Napalingon naman kami sa nagsalita.

"Ang tagal nyo kasi." Pag susungit ni Jungkook.

"Akala ko hindi na kayo makakarating e." Sabi ni Lisa at lumapit agad kay Jennie.

"Pwede ba naman yun?" Sabi ni Jennie na nakangiti. Hays. Nakakapanibago yung aura nya. Hindi ako sanay na mabait sya. Hahaha.

"Teka? Bakit kasama to?" Naguguluhang tanong ni Lisa dun sa babaeng kasama pala nila Jennie.

"Wag mo pansinin yan Lis. Driver namin." Natatawang sabi ni Irene.

"Grabe ka naman sakin Joo Hyun." Sabi nung babae na nakapout.

"Bro, nag magandang loob lang naman akong ihatid tong si Rj dito e. Haha." Dagdag pa nya.

"Wag mo sabi akong ibro." Kunot noong sabi ni Lisa.

"Hay nako. Hayaan mo na nga si Chahee. Dun na tayo." Sabi ni Jennie at hinawakan na sa braso yung ka loveteam nya. Gulat naman sya sa ginawa ni Jennie. Napatitig sya sa braso nya na hawak nito habang papunta sila sa table na pwesto namin.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now