CHAPTER 18: Rainy evening

1.5K 26 8
                                    


JENNIE's POV

Nang makauwi kami ni Bestie galing sa cemetery.


Agad naman akong lumabas ulit. Madilim na ang paligid. Mga 7:30 na pala ng gabi.


Nag lakad lakad ako. Dahil sa mga nangyari kanina hindi ako makapag focus.

Naglakad ako hanggang makarating sa lumang playground malapit lang samin.


Naupo ako sa dulo nung slide. Nakatulala at tumutulo ang luha. Napansin kong mukhang sasabay pa sakin ang langit.

*kulogkidlat


Ayun, bumuhos din ang malakas na ulan.

Hindi ko ininda yung ulan at patuloy lang ako sa pag iyak.

"Nung huli tayong magkita, umiiyak ka. Tapos ngayong nagkita tayo ulit, umiiyak ka pa din?" Biglang nabalik ako sa earth. May tao pala sa harapan ko.


Nakaindian sit sya sa lupa na nasa tapat ko.

Hindi na ako nag dalawang isip at dinamba ko sya agad ng yakap. Kahit na sobrang sakit ng nangyare saamin noon. Kailangan ko lang talaga ng isang taong mayayakap ko at iiyakan ko.


Natumba naman kami pareho sa lupa. Wala akong paki at umiyak lang ako ng umiyak sakanya.

"Sige lang. Ilabas mo lang lahat. Mapapagod ka ding umiyak." Seryoso nyang sabi habang nakayakap din sakin. Nakapatong kasi ako sakanya at nakasubsob yung mukha ko sa leeg nya.

Ilang minuto pa ang lumipas, iyak pa din ako ng iyak. Parang hindi nababawasan yung sakit. At parang lalong sumasakit kapag naiisip ko ang bagay na iyon.

"Ruby Jane, kung ano man ang problema mo ngayon, nandito lang ako. Hinding hindi na ulit kita iiwan." Narinig kong mga salita na galing sakanya.

Hindi ko man maintindihan yun dahil sa iba ang laman ng utak ko ngayon. Hinayaan ko nalang syang magsalita at icomfort ako.

Nang mapagod akong umiyak, siguro mga isang oras din ang nakalipas.


Naupo ako sa tabi nya. Nakita kong nakatulog sya?! nakatulog talaga sya?!

Eh naulan pa din tulog sya?!


"Kai. Kai? Kai!" Mahina hanggang palakas kong tawag sakanya kasabay ng pag yugyog ko sa balikat nya.

Halata naman yung pag tataka sa mukha nya.

"Hahahahah!" Natawa naman ako. May pagkakomedyante padin sya hanggang ngayon.

"Haha. Buti natawa kana." Sabi nya at Naupo na din ng maayos.

"Tignan mo ang dumi ko na. Tsk." Pakita nya sa likod nyang sobrang dumi talaga. Puro putik.

"Tara sa bahay. Mag palit ka na muna doon." Aya ko sakanya.


"Tutal kasalanan ko naman yan kung Bakit ka nadumihan." Dagdag ko pa.


"Talaga Rj?! Seryoso ka?? Hmm, makikita ko na ulit sina Tito at Tita pati si bunso." Mukhang naeexcite sya.

Miss nya na nga siguro sila mama.

Nag lakad na kaming dalawa papunta sa bahay. Medyo humina na yung ulan.


Bigla ko nalang naramdaman na nakasabit na pala yung pinky finger nya sa pinky finger ko. Para kaming magkaholding hands pero yung pinky finger lang.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें