CHAPTER 24: Give and Take

1.4K 27 1
                                    


JENNIE's POV

Masaya akong pumasok sa bahay. At pagpasok na pagpasok ko, nakaupo sa sofa si mama na ang sama ng tingin saakin.

Nalaman nya Kaya??


"Wag kana mag palusot. Sinabi sakin ni Irene na magkasama daw kayo ng Lisa na yon. Totoo ba?" Aishhh. Patay ka Jennie!

"Ahm, ma. Galit ka ba? Kilala mo naman na si Lisa Di ba?" Sunod Sunod kong Tanong.

"Kilala ko sya? Isang beses pa nga lang sya Nag punta Dito sa bahay. Saka ayoko na ding maulit yun." Seryosong sabi ni mama.

"Ma, kaibigan ko si Lisa. Saka kung sakali man gusto ko syang bigyan ng pagkakataon." Sabi ko kay mama. Alam kong hindi sya madaling papayag lalo na at babae si Lisa.

"Hindi. Hindi pwede. Ayoko. Simula ngayon, lalayuan mo na ang babaeng yun!" Maawtoridad na sabi ni mama.

"Gumising ka nga Jennie! Babae sya at babae ka, hindi kayo pwede. Hindi nyo dapat minamahal ang isa't isa. Kalimutan mo na sya. Hindi ako papayag na may mamagitan sainyong dalawa." Dagdag nya pa na parang diring diri sya nung sinasabi yon.


"Pero, ma! Pati ba naman Ikaw!?" Sabi ko saka na Nag tatatakbo papunta sa kwarto.

Iniyak ko na lang yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Lagi na lang.  Lagi nalang akong umiiyak!

Sinabi ko naman na kasing kakalimutan na kita! Pero, kasi nga gusto din kita! Paano ko gagawin yun Di ba?! Tsk.

Bakit ba ang daming hadlang?! Bakit yung mga Tanong importante din sakin Ang Nag papapili sakin!? Bakiiit!?

Ang gusto ko lang naman, maging masaya eh. Maging masaya sa piling nya.


Ganun ba kawalang tiwala sakin si mama?! Sana naman kahit ngayon lang yung kaligayahan ko naman ang maisip nila.  Sana naman intindihin din naman nila ako!

Iniyak ko lang lahat!

Yung chance na binigay ko sakanya? Paano na?

Yung saya sa Mukha nya na Nag dulot din ng saya sakin, babawiin ko nanaman! At makikita ko nanamang masasaktan sya sa araw araw na magkikita kami sa Uni.

.

.


Ngayon papasok na ako sa Uni. Panibagong umaga at araw. Pakiramdam ko, sobrang hinang hina ako ngayon.

"Tandaan mo, iwasan mo na yung babaeng yon, kundi malalagot ka samin ng papa mo!" Pag papaalala ni mama.


"Sige na, pumasok kana." Dagdag pa nya.

Wala akong kagana gana na Nag lalakad.

"Bestie! Oh May problema ka?" Tanong nya.


"Ahh, Wala." Saka ko sya nginitian ng pagkalaki laki.

Nginitian nya din ako saka na kami pumasok sa Uni.

Eto na. Haharapin ko nanaman sya na parang wala lang ang lahat saamin. Haaays! Ang sakit pa din sa puso ko.


"Hey! Goodmorning ladies." Bati ni Jin saamin.


"Goodmorning din Jin." Bati sakanya ni bestie

"Ah, Jen samahan mo ko sa canteen Oh." Pag aya ni Jin na Alam ko na yung pahiwatig nya.


"Wait lang bestie." Paalam ko kay bestie.

"Sige lang." Sabi ni bestie habang binabasa yung lesson namin.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now