CHAPTER 3: Bestfriend

4.1K 58 0
                                    


JISOO's POV

"Hoy gising!" Sigaw ko sa tulog na tulog na si Lisa. Ito talagang babaeng to, ang hirap gisingin. Haaays!

"Lisaaaaaaa! Gisiiiiing!"

"Ooooy! Lisaaaaaaa!"

Wala pa din sakanya yung mga sigaw ko. Sobrang lakas na nun. Mapuputol na nga yata yung mga litid ko.

Kung ayaw mo magising sa Plan A. Lagi namang ready ang Plan B. Bwahahaha.

Binuksan ko yung lahat ng kurtina sa may bintana. Tinanggal ko yung kumot nya, tapos hinila ko yung unan nya.

"Tsk! Chichu! Puyat ako!" Sigaw nya pero nakahiga padin.

Pero nasilaw ata kaya ayun dumapa pa ang mokong!

"Bumangon kana!" Hinampas ko sya nung unan nya.

" Wag ka sabing magulo! Inaantok pa ko!" Sigaw nya sabay bato sakin ng unan.

*boink!

O___O

T___T

Awwe. Ang sakit. Waaaaah! Kaya ayokong gisingin to kapag puyat eh. Lumalabas yung evil side. Mapanakit!

Bakit ba kasi ang aaga umalis nina Tito at ni Kuya GD eh. Si Rosé naman ayaw gisingin to. Ayun, ako nalang tuloy. :3

"Hoy, mangiyak ngiyak kana dyan? Anong iniimagine mo ha?!"

"Ay kabayo!" Nasabi ko sa gulat ko. Nakaupo na kasi sa kama si Lisa at nakaharap sakin.

"Sapul yung mukha ko nung hinagis mong unan! Ang sakit kaya mangiyak ngiyak ako!" Sabi ko sakanya.

"Hahaha! Alam mo namang masama akong gisingin kapag puyat eh!" Tawa ng tawa yung g*go -_______-

"oh?! Eh bakit nagising kana?! Sana natulog kana lang habang buhay!" Sigaw ko sakanya. Mag wawalkout na sana ako ng mag salita sya.

"Grabe ka Chichu! Papatayin mo na ako agad?! Ang dami ko pang makikilalang babae dyan." Sabi nya tapos kinuha na yung towel nya.

"Letche! Kaya ayokong mainlove eh! Babaero kayong lahat!" Sigaw ko sakanya.

"Haha. Kasalanan ko pa ngayon kung bakit wala ka pang nagiging boypren? Hahah. Makaligo na nga." Pagkasabi nya nun nag tungo na sya sa cr nya.

At ako? Ayun nanuod ng tv sa kwarto nya. Di na ako nakapag walkout eh.

Maya maya.

"Oy! Labas! Mag bibihis ako." Pag lingon ko, nakita ko lang naman si Lisa na nag pupunas ng towel sa basang buhok nya tapos naka sports bra, yung lower part lang yung natatakpan ng towel.

"Ang bilis mo maligo ah! Naligo ka ba talaga?" Tanong ko sakanya.

Anong akala nyo mangyayare sakin? Matutulala kasi maiisip na ' yummy' tong nasa harapan ko?! HAHAHAHA.

YAK! Hindi kami ganun. Wala akong pagnanasa dito sa bespren ko nu! Para lang kaming mag kapatid neto eh. Kahit na may pa pandesal pa sya dyan at labas na labas yung mga muscles. No way! Bisexual ako pero di ko papatulan tong bespren ko.

"Tulala ka?? Pinag nanasaan mo nanaman ako no?" Nakangiting sabi nya. Nakaupo na pala sya sa kama sa harap ko, natakpan nya yung tv.

"Kadiri ka Lisa! Hindi ko pag nanasaan yang buto mo." Sabi ko sakanya.

Ang totoo, sakto lang naman talaga yung katawan nya. Niloloko ko lang. Hahaha!

"Mabuto na ako?? Kailangan ko na mag gym? Saka kumain ng madami?" Sabi nya tapos humarap sa salamin. Habang tinitignan yung katawan nya. Hahaha.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon