Chapter 38: Soulmate

1K 19 0
                                    



LALISA's POV


"Inumin mo na to, ate." Sabi ni Rosé habang iniaabot sakin yung isang basong tubig at yung gamot.

"Akalain mo yun, tinablan kana naman ng lovenat." Sabi nga nung maabot nya na saakin.

"Manahimik kana nga lang dyan Roséanne." Sabi ko saka ininom yung gamot.

"Sige na ate. Aalis na ko. Sabihan ko nalang yung barkada mo." Sabi nya sabay labas na ng kwarto ko.

Bakit ba kasi e! Bakit kase?

Nakakapag taka ba? Sige mag balik tayo sa nakaraan.

FLASHBACK





"HAPPY BIRTHDAY LISAAAA! WOOOHOOH!" Yan yung narinig ko nung tanggalin ko yung blindfold na nilagay sakin ni Rosé kanina.

Nang maaninag ko sila, ang daming tao. Sobrang dami. Yung mga ilaw nakatapat sakin, buong barkada naka ngiti at masayang masaya.

"Anong kalokohan to?" Tanong ko.

"Surprise!" Sabay taas pa ng dalawang kamay na bungad sakin ni Jin.


"Baliw. Di ba sabi ko sainyo kahit Wala nang gantong party." Sabi ko. Kami kami nalang naman, yung mga family namin at yung relatives Nag uusap usap na. Yung ibang friends nasa kanya kanyang table din.

"Eh, gusto namin ng party e!" Sabi ni Jungkook na poker face.

"Ikaw na nga tong sinurprise, Di ka pa masaya." Sabi ni Chichu na nakapout.


"Sabi sainyo, kahit si asdfghjkl--" agad namang tinakpan ni Jin yung bibig ni Bambam.

"Basta, mag enjoy kana lang! Kami pa naman Nag organize neto tapos babaliwalain mo lang?!" Seryosong sabi ni Jungkook na parang nasasaktan.

"Sige na nga. Tara dun sa mga foods! Nagugutom na ko!" Masigla kong sabi. Oo nga naman. Mag sasaya na lang ako, birthday ko naman e.


Nang matikman ko yung mga dish na sila Rosé daw ang pumili e talagang nasarapan ako. Basta talaga pagkain, yung kapatid ko na yun ang maasahan. Haha.

Sa cakes naman kami napadpad ng matapos namin lantakan yung mga ulam.

Agad sakin pinakain yung tinatawag na Mocchamisu daw. Si Bambam naman ang pumili nun, parang Nag rerepresent sakanya ah. Chocolate and coffee liquor. Masarap Pero para sakin ayoko at bawal.

Hmmm.

Habang kumakain kami, Nag kekwentuhan din kami. Lalo na kung paano nila inorganize, pinlano at pinag isipang mabuti yung buong set up nung resort.

Maya maya, umalis sina Chichu at Jungkook sa table namin. At umakyat sila pareho sa stage. Nag salita ng konte, binati ako at kakantahan daw nila ako.

Umupo si Jungkook sa drumset. Yung best friend ko naman ang vocalist.

May tatlong guitarist sila. Mga kabanda yata ni Jungkook.

Kumanta sila ng mga tatlong kanta. Saka naman Nag simula na yung party para sa mga teenagers.

At si Jin ang Nag lead nun, nasa gilid sya ng stage. Aba't DJ ang loko. Haha bagay pala sa bugok na yun yong Pag Di-DJ.

Nag simula nang umingay ang paligid. Sina Papa and friends, Nag paalam na samin. Doon na daw sila sa mga rooms nila dahil gumagabi na.

Hanggang sa puro friends na lang namin ang natira.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now