Chapter 75: 2nd Day

1.4K 32 0
                                    



JUNGKOOK's POV

"Hoy! Magsigising na kayo! Mga batugan. Tanghali na!" Napadilat ako ng marinig ang nakakairitang boses sa labas ng tent namin. Sino naman kaya yun? Hindi naman yun boses nung babaeng epal.

"Gisiiiiiing naaa!" Isa pang sigaw nung babae. Napabangon ako sa sobrang inis. Binuksan ko yung tent at lumabas ako.

"Ano bang problema mo?! Ang aga aga ang ingay ingay ng bunganga mo!" Sigaw ko sa nakakairitang babae sa harapan ko. Napatigil naman sya at mukhang gulat na gulat sa inasta ko.

"Uh, sorry. Sorry Jungkook. Pasensya kana. Baliw talaga tong kaibigan ko e. Sige na. Tulog kana ulit. Pasensya na talaga." Sabi nung kaibigan nyang mabait na nanginginig na sa takot. Haaays!

"Bakit ba ikaw yung nag sosorry sakin? E hindi naman ikaw yung may kasalanan." Sabi ko na halos pikit pa yung mata.

"Bro, wag mo ng patulan yan. Matulog kana lang ulit." Sabi ng nakapikit pa ding si Jin.

"Para kasing tanga e. Papansin masyado! Hindi makaramdam na iritang irita na sakanya yung mga kasama nya, tuloy pa din." Hindi ko nanaman mapigilan yung sarili ko.

"Tara nga!" Nagulat ako ng hilahin ni Lisa yung nakakairitang babae palayo samin. Sinundan naman sya ni Ahin at pinapakalma. Masyadong mabait yung babaeng yun para maging kaibigan nung Nayun.

"Easyhan mo lang." Sabi ni Bambam na tinap pa yung balikat ko.

"Nakikita ko kayong dalawa ni Irene sainyo kanina nung Nayun, at yung Ahin naman si Jennie." Sabi nya. Napatingin ako sakanya.

"Oo nga nu Bam. Parang kayo nga." Pag sang ayon naman nung isang bugok.

"Ewan ko sainyo! Matutulog na nga lang ako ulit." Sabi ko saka pumasok na sa loob. Nahiga ako pero hindi na ako makatulog ulit. Wala naman akong naririnig na ingay sa labas. Bakit kaya? Masyado namang tahimik. Kaya lumabas nalang ako para alamin kung bakit tahimik.

Nilibot ng mata ko yung paligid pero wala akong ibang nakita maliban kay Jennie. Nakaupo sya sa isang kahoy na malapad. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.

"Nag iisa ka?" Tanong ko, napalingon naman sya sakin.

"Ah, wala lang." Sagot nya. Pinagmasdan ko naman sya. Malungkot ang mga mata nya. Hindi yun normal sakanya. Ngayon ko lang yun nakita mula nung maging okay sila ni Lisa.

"May problema ka." Sabi ko.

"Wala to. Haha." Sagot nya at may pekeng tawa pa.

"Lokohin mo na lahat wag lang ako." Sabi ko. Tinignan naman nya ako, nginitian ko sya at inaantay yung sasabihin nya.

"Hay nako, Kookie. Bakit ba kasi ngayon pa sumulpot yang mga ex nya e." Sabi nya at yumuko.

"Nag seselos ka?" Tanong ko habang tinititigan sya.

"Medyo." Sagot nya habang nakayuko pa din.

"Sabagay, minsan hindi talaga natin maiiwasan magselos. Pero, kung ako sayo, mag tiwala ka lang kay Lisa. Kahit gaano pa kalandi yung babae na yan, hindi yan papatulan ng girlfriend mo." Sabi ko sakanya. Sa pag kakakilala ko kasi kay Lisa, wala na yang magandang babaeng nakikita kapag taken na yan e.

"Loyal yan kapag taken na." Dagdag ko pa.

"Hindi pa kami." Sabi nya na ikinagulat ko.

"Hala? Hindi pa ba? Ay, nako. Ngayon ka na kabahan." Sabi ko sakanya na halatang may gulat at takot sa itsura nya.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now