CHAPTER 14: Weird?

1.6K 29 4
                                    

JISOO's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Lisa. 7am pa lang ng umaga. Ang aga nu?

Eh kasi naman tong si Irene, tulungan ko daw sya kay Lisa. Gusto nya daw maraming malaman tungkol dito.

Anong konek bakit nandito ako sakanila? Eh kasi, hihiramin ko muna si Rosé. Kukuntsabahin ko muna. Tutal mas close kami kesa sakanila. Isasama ko nalang. Hihi.

"Hoy, anong ginagawa mo dito? Ang aga aga pa." napalingon ako sa likod ko. Papunta kasi dapat ako ng kusina. Kase sabi ni Rosé sa text andun daw sya.

"A-Ah. Ang aga mo naman nagising!" Sigaw ko sakanya.

"Naboboring ako e bakit ba? Eh Ano nga ginagawa mo dito?!" Sabi nya habang pababa ng hagdan.

"May gala kami ni Rosé!" Sagot ko. Please wag kang mag tatangkang sumama.

"Saan?" Tanong nya. Saka na kami nag sabay papuntang kusina.

"Mall." Tipid kong sagot.

"Ah, okay." Sabi nya tapos naupo na sa dining.

Himala, hindi ata nag tanong masyado?? Anong meron sayo ngayon Lisa?? Kadalasan nahuhuli mo ko sa mga tinatago ko sayo sa paraang pangungulit mo ah? Bakit ngayon??

"Ate Jisoo hindi ka naman nakikinig eh!" Mga salitang nakapag pabalik sakin sa Earth. Si Rosé pala, nakapout pa. Ang cute!

"Ha?" Tanong ko.

"Ate sabi ko maupo ka dito, sabayan mo na kaming kumain." Sabi nya.

"Ah sige." Naupo na ako at kumain na muna kami. Si Rosé nag tatanong tanong sakin kung saan kami gagala, saan mag shopping at kung ano ano pa. Pero, si Lisa tahimik lang. Tulala. Anong problema neto ngayon? Hindi naman sya ganyan eh.



"Ate! Tara na!" Masiglang aya sakin ni Rosé.

"Ah, sige. Tara na." Sabi ko.

Nandito kasi ako ngayon sa sala. Inintay matapos magbihis si Rosé. Pagtapos kasing kumain umakyat na si Lisa. Tinanong ko sya kung anong nangyayare sakanya. Sabi nya naman wala lang daw sya sa mood. Kaya hindi ko na kinulit.

Masyado pa din naman kasing maaga. Sigurado ako puyat nanaman yun. Kaya hayaan ko na lang na itulog nya na lang.

.
.

IRENE's POV

Nag aayos na lang ako ngayon sa salamin para makaalis na ng biglang may pumasok sa kwarto.

"Bestieee gising n-- ohh? Saan punta mo?!" Tanong nya. Ayan nahuli ka Irene. Tagal tagal mo kasi kumilos eh.

"A-Ah. May may.. mag sisimba ako bestie eh." Yan! Tamang palusot Joo Hyun, galing mo talaga.

"Ahh. Osige bestie." Ayan lang sinabi nya at nag paalam na na uuwi muna.

Mag kaiba kasi kami ng religion ni bestie kaya hindi kami sabay na nakakapag simba. Hays. Sayang yun. Pero, ngayon kelangan ko nun. Hihi.

Nung makarating na ako sa mall kung saan yung meeting place namin ni Jisoo, nakita ko naman sya agad kasama yung kapatid ni Lisa.

"Hi ate Irene." Bati nya saakin.

"Hi Rosé." Bati ko din sakanya.

"Irene, naikwento ko na pala sakanya ang lahat. Haha." Sabi ni Jisoo.

"What?! Nakakahiya naman!" nalaman ng kapatid ng lalaking gusto ko na may gusto ako sa kapatid nya. Uwaaaah!

"Haha. Ang cute. Don't worry Ate. Okay lang naman sakin e." Sabi nyang nakangiti. Ang gandang babae. Grabe iba talaga lahi ng mga tu eh.

Nag simula na kaming mag lakad habang nagkekwentuhan. Kinekwentuhan nila ako tungkol kay Lisa.

Kung saan saan kami nakarating.

.
.

JENNIE's POV

Hmmm, hula ko talaga hindi mag sisimba si bestie eh. Feeling ko may ibang pupuntahan yun e. Bakit kaya hindi nag sabi sakin? Bakit kailangan pa nyang itago sakin?

Oo, nag tago din ako sakanya ng sikreto pero alam kong para din naman samin yun.

Nakakainis kasi tung feelings na to eh! Bakit pa kase tu nabuo?! Bakit naguguluhan ako kapag naiisip, nakikita ko sya. Bakiiiit?!

Hays! Naaasar ako! Gagala na nga lang din ako mag isa!

.
.

LISA's POV

Si Jisoo at si Rosé iniwan ako dito sa bahay! Nakakaboriiiiiing! Badtrip naman!

Kasi eh. Bakit ba napanaginipan ko yung babaeng yon?! Napapaisip tuloy ako! Ginugulo nya ang utak ko!

Kaya wala ako sa mood kanina pa eh!


Ay ewan! Basta, ayoko dito. Mababaliw ako! Makaalis nga!

.
.

Nandito ako ngayon sa mall, sa may Cinema. Inunuod ko na lang tu. Baka sakaling maibalik ko sa ayos ang utak ko.

"Lisa?!" Nilingon ko naman yung natawag sa pangalan ko. At sa di inaasahan nga naman oh!

"Bakit ka nandito?! A-Ah I mean, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Bakit sya pa?? Bakit?!

"Ah, magsiswiming! hays. Malamang manunuod!" Pag tataray nya nanaman.

Nakabili na kami pareho ng ticket. Tapos bumili na din ako ng popcorn at drinks namin. Oo, NAMIN. Tsk. Ayoko sana na makasana sya kaso hindi ko din naman sya mapaalis o hindi ko din naman sya magawang iwan. Haaays!

Nang makaupo na kami. Ilang minuto pa bago mag sisimula yung palabas kaya kinausap ko na muna sya.

"Bakit ikaw lang? Nasaan yung bespren mo?" Tanong nya.

"Ahh? May lakad eh. Iniwan ako. Ikaw bakit mag isa ka?" Sagot nyang medyo bitter.

"Pareho pala tayo e. Iniwan din nila ako." Sagot ko.

"Ah I see." Sabi nya saka kumain nung popcorn.

Maya maya nag start na yung palabas. Romcom yung napili naming panuorin. Napapansin kong tumatawa sya kaya nakukuha neto ang atensyon ko. Tapos kung makakain sya akala mo wala ng bukas. Nakakatawa syang panuorin! Haha. Pag kinikilig sya tuwing may kilig scene sa screen, ang cute ng itsura nya. At tuwing matatawa sya napapangiti din talaga ako.

Hindi ko namalayan na tapos na pala yung movie.

"Hey! Nagustuhan mo ba?" Tanong nya. Goodvibes na sya. Di nya na ako sinusungitan.

"Yeah. Sa tingin ko.. gusto ko na nga." Sagot ko habang nakatingin sakanya.

"Huh?" Naguguluhan sya.

"U-uh! I mean, I guess from now on yan na yung favorite kong movie." Paliwanag ko.

"Haha! Me too." Natawang sangayon nya.


Nginitian ko nalang din sya.

Nag lakad lakad kami sa mall. Medyo nagkasundo kami ngayon.

Ang weird lang kasi ng feeling pag naaalala ko yung dun sa cinema kanina.


Ni hindi ko nga napanuod yung palabas but I really enjoyed it there. Maski yung mga punch lines kung bakit sya/sila tumatawa hindi ko nga naintindihan eh. Ang buong alam ko lang masaya ako kase masaya sya,


Yung the whole time sya yung pinapanuod ko for some reasons na hindi ko maipaliwanag..


But then I felt really happy.

At yun ang pinaka weird sa lahat ng nangyare sakin.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now