Chapter 56: The Promise

1.1K 25 1
                                    




LALISA's POV

Nasa hospital pa rin kami dalawang araw matapos ang mga nangyare. Hindi pa rin kasi nagigising si Irene. Nag papalitan kami ni Jungkook sa pag babantay sakanya. Kahapon nandito yung panganay nyang ate. Ngayon yung isa naman, dito yata sya nag mana e. Masungit din, at ilang beses kaming napagalitan ni Jungkook. Well, speaking of Jungkook. Sya lahat gumastos sa mga kakailanganin dito sa hospital. Masyado nyang sinisi yung sarili nya na hindi dapat ganun yung nangyare kung hinarap nalang nya si Jongin. Ngayon pareho kami ng nararamdaman. Pareho kaming may utang na loob sa babaeng nagligtas saamin na dapat hindi naman talaga nangyare. Kaya lahat ng pwede naming gawin para makatulong sakanya ay gagawin namin. Para naman kahit paano ay makabawi sa kanya.

Nasa labas kami ng kwarto ni Irene. Nasa loob naman kasi ang ate nya.

"Pangalawang araw na pero hindi pa rin sya nagigising." Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. Tulala rin kasi si Jungkook ng mga oras na yun.


"Bakit kasi hindi pa pumupunta si Jennie e." Wala sa sarili nyang tanong. Pareho naman kaming nagulat at nagtinginan.

"Si Jennie!" Napatayo ako ng maisip na wala pa nga si Jennie.

"Mag papaalam muna ako sa ate ni Irene na may pupuntahan tayo. Ikaw na kumuha ng kotse." Pagkasabi ni Jungkook nun pumasok na sya sa kwarto ni Irene at ako nama'y nag madali palabas.

Bakit kaya hindi pa pumupunta si Jennie? May ginawa kayang masama si Jongin?! Mapapatay ko talaga ang isang yun kapag may ginawa syang hindi maganda sa babaeng mahal ko.


Pumasok naman agad si Jungkook sa kotse. At binilisan ko na ang pagpapatakbo. Ang dami kong nasayang na oras para alamin kung ano na bang nangyare kay Jennie.

Nakarating naman kami sa lugar nila. Kahit muntik muntikan na kaming mag goodbye world ni Jungkook. Naiintindihan nya naman ang nararamdaman ko, at handa rin syang matuluyan kung sakali man basta masiguradong wala ng iba pang madadamay sa mga nagawa nya.

Agad naman akong bumaba sa kotse at pumunta sa tapat ng gate nila.

"Jennie! Jennie!" Sigaw ko na may kasamang pagkatok.

"Jennie!" Tawag ko ulit sa pangalan nya bago bumukas yung gate.

"Ano bang problema mo? Gabi na, ang ingay ingay nyo." Bungad samin ni Mrs. Kim.

"Uh, sorry po." Napayuko kong sabi.

"Teresa, masyado mo namang sinungitan. Ano bang ginagawa nyo dito Manoban?" Tanong ni Mr. Kim.

"Sir, si Jennie po?" Tanong ni Jungkook. Hindi kasi ako makasagot kasi nahiya ako sa Mama ni Jennie, nadala kasi ako kaya nakapag eskandalo pala ako ng hindi ko napapansin. Hays.


"Wala sya dito. At ikaw, Lisa? Tama ba? Tigilan mo na ang anak ko." Sabi ni Mrs. Kim. Bakit parang galit sya sakin?

"Gusto lang naman po namin masiguradong okay lang si Jennie." Sabi ni Jungkook.

"Nasa maayos na kalagayan ang anak ko. Kaya pwede na kayong umalis." Pag susungit samin ng Mama nya.

"Kung ayaw mo silang papasukin Teresa, sige na isarado mo tong pinto. Kay Mama ko nalang sila dadalhin at gusto kong malaman kung bakit gantong oras pa nila hinahanap ang anak ko." Sabi ni Mr. Kim, na mukhang ikinasama ng loob ni Mrs. Kim kaya pumasok na ito sa loob.

Lumabas naman si Mr. Kim at isinara yung gate nila.

"Pasensya na kayo. Pareho sila ng ugali ni Jennie." Sabi nya at nag lakad na. Sinundan lang namin sya hanggang sa makarating kami sa bahay ni Mrs. Kim. Pinapasok naman kami agad nung maid nya.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now