Chapter 52: Missing

1.1K 21 0
                                    



ROSÉANNE's POV

Another day. Sana naman wala ng awayan na magaganap. Nakakastress kaya! Haaays.

*ding dong
*ding dong

Ang aga aga may bisita? Sino nanaman kaya yan?

*ding dong


Rinig ko ulit. Pababa na kasi ako ng hagdan galing sa room ko. Kakagising ko lang, my gosh. Paano kung si Bamie yan? O kaya yung ilan sa mga pogi kong crush?


Nakooo naman! Wala pa kong ayus ayus.

*ding dong
*ding dong

Wait! Bakit walang nag bubukas?!

"Kuya GD?! Papa?!" Tawag ko. Pero walang sumasagot.

"Manang Olga?! Ate Luna?" Tawag ko sa ilang katulong sa bahay.

Pero wala din kahit isang sumasagot. Walang tao sa bahay kundi ako at si Ate Lisa lang. Pati maids wala. GREAT!

*ding dong
*ding dong

Aw, syems! Baka importante.

Tumakbo ako sa gate para buksan yun. At nang buksan ko. Oh My! My Prince!

Char! Hahaha.

"Hi. Magandang umaga sayo. Nandyan ba si Lisa?" Seryosong tanong ng uhh, teka. Familiar sya sakin e. Kanino kayang Mama to??

"Ahm, opo. Nandito po si ate. Pasok po kayo. Tatawagin ko sya." Sabi ko. Saka sya sinamahan sa living room. Naupo sya doon at tatakbo na sana ako paakyat ng mabangga ako kay ate.

"Ouch." Nasabi ko nalang. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Tsk." Naiirita nyang pagkasabi.

Pupununta na nga lang ako sa kitchen. Makapag breakfast na nga lang.

"Lis. Alam kong nakausap na kita kanina sa phone. At kaya ako nag punta dito dahil wala na akong iba pang pwedeng malapitan na pwedeng tumulong sakin." Rinig kong sabi nung babae kay ate. Mukhang alalang alala sya.

Napag pasyahan kong maupo malapit sakanila. Masyado akong nacurious sa sinasabi nung babae.

"Ano po bang maitutulong ko, Tita?" tanong nya.

"Kung pwede sanang hanapin mo sya. Tutal ikaw ang bestfriend nya, mas madali mong mahahanap si Jisoo. Alam mo lahat ng gusto nyang puntahan. Kung saan sya pupunta kapag masyado na syang nasasaktan. Lisa, please." Naluluha na yung.. Mama ni Ate Jisoo??

"Kailan pa po ba sya nawawala?" Seryosong tanong ng kapatid ko.

"Kaninang umaga, pag gising ko wala na sya sa bahay. Pati yung ilan sa mga gamit nya, wala na din." Sabi ni Tita.

"Nawawala si Ate Jisoo??" Nasabi ko nalang sabay napatakip ako ng bibig. Tinignan naman ako ni ate. Pero, binalik nya agad yung tingin nya kay Tita.

"Napagalitan kasi namin sya ng Papa nya kahapon. Sumagot sagot sya, kaya nakapag bitaw ako ng masasakit na salita. Hindi ko inasahan na masasabi ko yun at hindi ko din akalain na dadamdamin nya ng sobra. Lis, please. Ikaw lang yung pinakamalapit sakanya bukod samin. Ikaw lang yung malalapitan nya. Gabayan mo sya, pagaanin mo yung loob nya. At kumbinsihin mo na syang bumalik sa bahay." Naluluhang paliwanag ni Tita.

"Wag na po kayong masyadong mag alala. Siguradong hindi nya pababayaan sarili nya. At gagawin ko po lahat ng makakaya ko para makausap ko sya at mapabalik sa inyo." sabi ni ate. Halatang medyo awkward sya dahil sa pangyayare kahapon. Pero, sinusubukan nya pading tuparin yung sinasabi nya sa Mama ni Ate Jisoo.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now