Chapter 47: More than this

1.2K 23 0
                                    



LALISA's POV


*kroooook

*kroooook

"Urgh!" Pag uunat ko.

Gusto ko pa sana matulog kaso nag rereklamo na yung sikmura ko.


Inabot ko naman agad yung phone ko. 11am na pala at may message pa kong natanggap.

FROM: BUGOK#01 SEOK JIN

Lisa! Hindi kana namin ginising. Sabi din kasi ni Maam, na hayaan ka nalang daw muna mag pahinga dahil napuyat ka. Pumasyal na pala kami. Babalik kami after lunch.

~

Iniwan nila ako. Magaling!

Hays. Makakain na nga. Nag ayos muna ako bago pumunta sa restaurant. Sa hagdan na ko dadaan. Hindi na muna siguro ako lalapit sa elevator matapos yung mga nangyare kaninang madaling araw.

Nang nasa hallway nako papunta sa hagdan. Nakita ko si Jennie na nag mamadali, tumatakbo papunta sa direkyon ko.

At Nang malapit na sya, napatid yata sya Kaya ang ending nadapa sya, Pero kasama ako.

Napahiga ako sa sahig na nakapatong sya sakin. Nagkatitigan kami. Masyadong malapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

Ilang segundo ang tinagal bago sya nakapag salita.

"Sorry." Saka natarantang tumayo at nag madali na ulit papunta sa room nila yata?

Naupo naman ako. At may nakita akong phone malapit sakin. Hindi naman sakin yun, at Nang kunin ko. Naalala ko si Jennie. Sigurado sakanya to.

Tinungo ko yung room nya para ibalik yung phone. Teka? Alin ba dito? Saan ba sya pumasok? 206? 207? 208? Hmmm.

Biglang bumukas yung 208. At iniluwa nito si Shewi.

"Oh? Lisa. Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya.

"Saan ba yung room nila Jennie?" Tanong ko.

"Ah, dyan oh." Turo nya sa room 207.

"Sige Lisa. Baba na ako." Dagdag nya.

"Sige. Salamat." Nakangiti kong Sabi sakanya.

Nilapitan ko yung pinto ng 207. Bakit parang ayokong kumatok? Kinakabahan ako. Hays! Huminga ako ng malalim bago kumatok.

*toktok

Mga ilang segundo ang lumipas bago bumukas yung pinto.

Si Jennie ang nag bukas. Tinitigan ko sya. Nginitian ko sya.

"Sino yan Rj?" Tanong ng sumulpot na si Jongin. Dahan dahan nawala yung ngiti ko. Anong ginagawa nya sa room nila Jennie?! Hindi ba't hindi sila pwede na mag sama sa isang room?! Kanina pa ba silang madaling araw magkasama?!

"Lis, bakit ka kumatok?" Tanong ni Jennie na nakapag pabalik sakin sa Earth. Nakita kong nakapatong na yung baba ni Jongin sa balikat ni Jennie. Nakangiti pa yung loko! Tsk. Mukhang nangaasar sya.

"Ah-eh. Ano kasi. Oh. Nahulog mo yata kanina nung nadapa ka." Sabi ko Saka inabot sakanya yung phone nya.

"Ah, salamat." Sabi nyang mukhang naiilang.

"May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Jongin.

"Kung wala e pwede ka ng umalis. May ginagawa kasi kami ni Rj." Dagdag pa nya.

"Kai!" Nataas na boses ni Jennie.

"Sige. Alis na ko." Sabi ko nalang Saka tumalikod. Baka nakakaistorbo ako.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat