Chapter 70: Surrender

1.2K 25 0
                                    




JUNGKOOK's POV

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Irene. Nasa kotse kami ngayon.

Tama. Mag kasama kami. Paano ko natitiis? Kasi hanggang ngayon bumabawi pa rin ako sakanya.

Una, noong nabaril sya. Pangalawa, yung pag alaga nya sakin noong niligtas namin si Jennie. Haaays. Ang dami ko ng utang sakanya. Boset nga eh. Bakit kasi sya pa?!

"Sa taong may kagagawan kung bakit ka nag titiis na samahan ako. Hahaha." Sabi nya. Aba? Pwede naman pala syang maging mabait e. Tumawa na parang isang babaeng walang galit sa mundo.


"Pwede ka naman pala maging mabait e." Sabi ko na nakatingin sakanya.

"Mabait naman talaga ako." Sabi nya saka tumingin din sakin.

Nginitian nya ako at hindi na ako kumibo. Nang makarating kami sa pupuntahan namin..

"Sasamahan pa ba kita?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung gusto ko pa bang makita ulit ang demonyong iyon. Muntikan na akong mamatay dahil sakanya.

"Oo. Syempre. Inaya nga kita kasi sasamahan mo kong harapin yun. Pigilan mo ko pag sasapakin ko na ha." Sabi nya.

"Baka icheer pa kita." Sabi ko na ikinatawa nya naman. Bakit ganun yung tawa nya. Napapangiti din ako. Hays.

"Oh? Napadalaw kayo? Yung dalawang taong nag bigay sakin ng lakas ng loob para magawa yung dahilan kung bakit ako nakakulong ngayon. Hahaha." Bati samin ni Jongin.

Hindi nalang ako nag salita. Baka kung ano pang masabi ko.

"Kai. Binibisita ka ba dito ng bespren ko?" Seryosong tanong ni Irene.

"Ni Rj? Oo. Lagi nga yun nandito nung nakaraan e." Sagot nya na parang wala syang ginawang masama.


"Pero, hindi na madalas mula nung nag away kami ni Lisa dito." Dagdag nya pa at yumuko.

"Tigilan mo na sila!" Napahampas pa ko sa lamesa ng sabihin yun.

"Easy ka lang JK." Sabi nya. Pinaupo naman ako ni Irene.

"Alam mo, sumuko na akong mang gulo e, kasi alam kong tapos na yung kabanata ko sa buhay nyo. Sumuko na akong agawin si Rj kasi alam kong talo na talaga ako. Sumuko na akong mag higanti sa mga taong nananakit sakin kasi napapagod na akong manakit. Sumusuko na ako. Haha. Kaya nga nandito na ako e. Pinag sisisihan ko na yun. Sorry Jungkook at Irene." Sabi nya. At nag seryoso na yung mukha nya.


"Sorry kasi nag padala ako sa galit at poot na nararamdaman ko. Ngayon, naiinggit nga ako sainyo e. Kasi kayo, maaga nyong narealize na mali ang ginagawa nyo. Maaga nyong napagsisihan yung mga pagkakamaling yun. Lalo na ikaw JK, nakita ko kung gaano mo kamahal yung mga kaibigan mo. Mag pakamatay ka mailigtas mo lang sila." Sabi nya na parang naluluha na. Si Jongin ba talaga yang nag sasalita??

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo." Sabi ko at tumalikod na sakanila.

"Jungkook!" Pigil sakin ni Irene at hinawakan nya yung braso ko.

"Wag muna kayong umalis. Alam kong hindi ganun kadaling patawarin ako. Pero, kayong dalawa. Alam kong kayo yung pinaka apektado sa lahat ng nangyare. Alam kong kaya kayo nandito, kase naguiguilty kayo. Iniisip nyong kasalanan nyo kung bakit napahamak at nag kagulo gulo ang barkada nyo. Di ba? Pero, JK. Irene. Tama na yung pag sisisi nyo. Kasi nakabawi na kayong pareho. Nakuha nyo na yung kapatawaran na hinahanap nyo. Pero, ako. Kayong dalawa ang pinaka mahirap hingan ng kapatawaran. Kaya gusto kong bumawi sainyo. Patawarin nyo lang ako." Umiiyak sya habang sinasabi nya yun. Ayoko syang makita na ganyan kasi kahit papaano naging kaibigan ko sya. Pero, sinubukan kong humarap. Nakaluhod pala sya ngayon.

"Jongin, tumayo kana dyan. Hindi pa siguro ngayon. Baka balang araw pero hindi ako sigurado." Sabi ko at aalis na sana.

"JK. Pwede bang dalawin mo ako dito kapag napatawad mo na ako?" Tanong nya. Nakakaawa sya ngayon. Parang sobrang hirap na hirap sya. Takte! Nanlalambot ako?!

Tumango nalang ako. Kasi hindi ko kayang mag salita.

Nilingon ko si Irene na binigyan ako ng maliit na ngiti.

"Salamat JK." Sabi ni Jongin saka tumayo.

"Irene. Pwede ba akong humingi ng favor sayo?" Tanong ni Jongin sakanya. Nag punas naman ng luha si Irene na hindi ko napansing umiyak pala sya.

"Pwede bang sabihin mo kay Lisa, dalawin nya ako dito kapag napatawad nya na ako?" Tanong nya.

"Hindi ko sigurado Kai." Nakayukong sabi ni Irene.

"Please? Irene. Alam kong tinanggap mo na sa sarili mong wala na talaga. Alam kong mas pinili mo yung kaligayahan ng bestfriend mo kesa sa nararamdaman mo. Kaya, sige na oh. Nag mamakaawa ako sayo. Iparating mo kay Lisa yung sinabi ko." Pag mamakaawa pa din ni Jongin.

"Tapos ano?! Manggugulo ka ulit?!" Tanong ko.

"Kahit eto na yung huli. Please. Mag tiwala kayo sakin. Gagawin ko to, para makabawi sainyo. Pangako. Gagawin ko to para makatulong sakanilang dalawa." Sabi nya. Dahil naging kaibigan ko naman sya. At ni minsan hindi ko sakanya narinig ang salitang pangako. Ngayon lang. Kaya sigurado akong dapat kong pagkatiwalaan ang mga sinabi nya.

Tinignan naman ako ni Irene. Na parang hinihingi ang opinyon ko.

"Intayin mo nalang sya. Sige na. Aalis na kami." Sabi ko at hinila ko na paalis si Irene.

"JK, salamat!" Sigaw nya. Hindi ko na sya nilingon at nag dirediretso na sa kotse.

"Tama ba yung ginawa natin?" Seryosong tanong ni Irene.

"Hindi ko rin alam. Pero, subukan nalang natin mag tiwala sakanya." Sabi ko at pinaandar na yung kotse.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now