CHAPTER 9: Confession

2.4K 43 3
                                    


IRENE's POV

Paano ko ba 'to ieexplain? Hmmm.
Isusulat ko na lang muna.

"Rene, mag ayus ka. May iuutos ako sayo." Sabi ng ate kong panganay.

"Pero, ate may ginagawa akong report. Kailangan kong matapos to ngayon." pag tanggi ko.

"Mamaya na yan. Tutulungan kita dyan basta ibili mo muna ako sa mall netong nga gamit na nakalista dito." Sabi nya sakin.

"Pero ate--" naputol yung sasabihin ko ng mag salita sya ulit.

"Bibili ka o bibili ka??" Seryoso nyang Sabi.

Ay nako! Pag ganto ng seryoso si ate di na ko pwedeng mag reklamo. Asar naman e!

"Sabi ko nga po." Tapos tumayo na ako at Nag diretso sa kwarto para mag ayos.

"Isama mo na lang yung bestfriend mo." Dagdag pa nya bago ako lubusang makapasok sa kwarto.

.

.

.

Nandito ako ngayon sa mall. Oo, AKO lang. -___- paano kase yung bestfriend ko may lakad pala ngayon kaya hindi ako masamahan. Enebeyen!

Nag lakad lakad na ako para hanapin yung mga pinapabili ni ate.

Teka..

Namamalikmata ba ako o sya talaga yung nakikita ko?!

Nag lalakad ako papunta sa direksyon kung nasaan yung taong tinutukoy ko.

Parang Nag aaway sila ng kasama nya?? Sila kaya nun?

"Ayoko na nga sayo! Wag mo na akong habulin. Hinding hindi na ako babalik sayo kahit Ano pang gawin mo! Tigilan mo na ako!" Sigaw nya.

"Hangga't wala ka pang iba, hangga't wala ka pang girlfriend hinding hindi kita titigilan!" Sigaw din pabalik nung babae sakanya.

Nang nasa malapit na nila ako..
Nakita kong nakita nya ako. Tsaka sya ngumiti.

"Hey babe! Thank God you're here." Sabi nyang nakangiti sakin.

What the hell is he talking about?!

"S-sino sya?!" Nauutal na tanong sakanya nung babae.

"Girlfriend ko." Sabi nya saka ako inakbayan. Tatanggalin ko sana kaso binigyan nya ako ng Makisakay-Ka-Nalang-Look. -_____- ayun. Medyo natameme nalang ako.

"Kaya tigilan mo na ako! Mahal ko Ang girlfriend ko! Tapos na tayo matagal na! Tapos na--" natigil sya sa pag sasalita dahil..

*pak!

Sinampal sya nung babae. Saka Nag walkout.

"Evil Monster ka talaga!" Sabi ko sakanya tapos mag wawalkout na din dapat ako kaso ngayon ko lang napansin na nakatingin samin yung mga tao. O.O

Nakuha pala yung atensyon nila sa nangyare kanina. Aysh!

"Salamat ha. Tara, babawe ako sayo." Sabi ni Evil Monster saka ako hinila paalis sa maraming tao.

Feeling ko nag slowmo yung pag takbo namin, hawak nya yung kamay ko, pakiramdam ko ang safe kong kasama sya. Tapos parang ang sarap sa feeling.

Ano ba to?? Bakit ganito??

Teka?! Ano bang sinasabi mo Irene?! -__________-

Tumigil ako tapos hinila ko yung kamay kong hawak nya.

"Pervert!" Sigaw ko.

"The hell!" Balik nyang Sigaw.

"Nag mamagandang loob na nga yung tao para ilibre ka, tapos tatawagin mo lang akong pervert?! What The hell did I do to you?! I just saved you from them. Hmm. Or maybe you want me to kiss you anyway??" Sabi nyang May ngiting nakakaloko.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now