Chapter 44: Field Trip

1.1K 21 0
                                    




BAMBAM's POV


"Ano? Nakaempake na kayo?" Tanong ni Jisoo.


"Yup. Kumpleto na lahat. Yung bus na lang kulang." Sagot ni Lisa na nakapamulsa.



"Mabuti naman. Ayokong mawalan ng upuan." Sabi ng best friend nya na nag aayos ng buhok.


"Hindi naman talaga tayo mawawalan ng upuan e." Nakangiting Sabi ni Jin hawak hawak yung pinakuha samin ni Jungkook na reserved bus seats sa Bus #1 pa. Iba din talaga kapag may kapit! Yooohooo!



"Ate, mga kuya. Balita ko kasama ng section nyo yung section A ha?" Tanong ni Chipmunk.


"Kaya nga Rosé, mag ready kana." Sabi ni Jin.


"Ay, bakit ako? Di ba dapat si ate?" Nagkatinginan naman kaming lahat.


"Teka? Bakit ako?" Patay malisya nyang sagot.


Hinayaan nalang namin sya at nag punta na sa Bus namin.


Papunta nga pala kami ngayon ng Ilocos. Fieldtrip kasi ng college, tatlong araw kami doon mag stay. Dapat sa bus na to isang course lang ang magkakasama. Pero, dahil kay Jungkook Kaya nandito sina Jisoo at Chipmunk.


"Excited na ako, Bamie." Masayang Sabi ng katabi ko.


"Matutulog lang ako ng matutulog dun. Hays. Boring yan panigurado." Kumento ko.


"Grabe ka naman! Syempre dapat sama sama tayo mag bonding kasama sina Ate Jisoo pag dating dun." Sabi nya.


"Matulog kana lang muna. Para hindi ka mapagod. Ang daldal mo e." Pabiro ko sakanya. Sinamaan nya naman ako ng tingin na nakapag pangiti sakin. Haha. Ang cute nya talaga.


"Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na Sabi nya Saka nag headset.


"Edi ako nang bahala sayo." Sabi ko Saka pumikit na din. Hindi nya naman siguro narinig yon no?


Narinig ko naman na may nag tatalo. Sabharap namin ni Chipmunk.


"Hoy! Ayusin mo nga yang pag kain mo! Natatapunan ako." Inis na Sabi ni Jisoo.


"Hindi ko kasalanan na makalat akong kumain!" Dipensa naman nung isa.


"Eh sinong may kasalanan?! Ako?!" Inis na Tanong nung isa.


"Oo! Kasalanan mo yan! Tinabihan mo ko, Kaya mag tiis ka!" Sagot naman netong isa.


"Hoy! Kayong dalawa sa harapan ko! Napakaingay nyo! Mag patulog kayo!" Parinig ko sakanila.


"Wag kang mangialam dito Phuvakul!" Sabay na Sabi nilang nanlilisik ang mga mata na nag effort pa talagang humarap sakin.


"Sa-Sabi ko nga. Tu-tuloy nyo na!" Utal utal kong sabi. Grabe! Katakot sila. Woooh! Surname ko pa talaga yung tinawag. Langya!



Tuloy pa din sila sa pag sasagutan, nang may marinig akong seryosong nag uusap sa likod ko. Medyo tsismoso lang ang peg.


"Paano kapag nakita mo sya pag dating natin dun?" Seryosong Tanong ni Jungkook.


"Edi.." mukhang iniisip pa nya yung isasagot.

Makalipas ang ilang segundo bago sya nag salita.



"Normal na lang." Sagot nya.



"Kakausapin mo sya?" Tanong nung isa.


"Hindi na siguro." Sagot nya.


I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now