Chapter 60: Couple

1.2K 24 1
                                    




LALISA's POV

Matapos naming pumalpak sa plano namin kahapon dahil sa pag babago ni Jungkook sa usapan, naisipan ko munang lumabas para pakalmahin ang sarili. Hindi kasi ako mapalagay sa mga nangyayare. Paano nalang kung hindi ko maibalik si Jennie sa pamilya nya? Paano nalang kung may masamang nangyare na sakanya? Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko pag nangyare yun.

"Lisa, san ka pupunta?" Tanong ni Irene nang nasa tapat na ako ng pinto.

"Mag lalakad lakad." Sagot ko.

"Oy, masyadong malamig sa labas. Gamitin mo tong scarf na regalo sayo nung birthday mo." Inabot sakin ni Bambam yung pulang scarf.


"Oo nga pala Jin? Kanino nanggaling to? Ikaw ang nag bigay nito sakin, ang sabi mo pinapaabot? Nino?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pinaabot lang." Sabi nya at tumalikod na. Anong problema ng isang yun? Hays.

Ginamit ko naman yung scarf pag labas ko. Sumakay ako bus at nag byahe sa kung saang lugar na hindi ko alam.

Bahala na muna kung saan ako mapadpad. Ayoko muna mag isip isip ng kung ano ano.

*kroook
*krooook

Napatigil naman ako sa pag lalakad ng marinig ang pag rereklamo ng sikmura ko. Tsk. Kailangan ko ng kumain.

Nakakita naman ako agad ng restaurant malapit sa kinatatayuan ko. Kaya pumunta na muna ako doon para kumain.

Nang makapasok ako, naupo agad ako. Napansin kong may ilan ilang nakatingin saakin. Hindi ko sigurado kung bakit pero nakangiti naman sila kaya baka maganda naman ang ibig sabihin nun.

Umorder na ako at nag hihintay nalang iserve yung inorder ko. Nilibot ko yung mata ko sa paligid. Ang dami din palang pinoy dito ah. May mga kumakain din kasing mga pinoy.

Napansin ko naman yung babaeng pumasok sa restaurant. Nagulat ako ng mapag masdan sya.

"Jennie?" Mahinang usal ko.

Si Jennie yun. Sigurado ako. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakaupo na sya ngayon. Umupo ako sa harapan nya.

Nakashades sya at may pulang scarf din na nakapaikot sa leeg nya. Binaba nya yung shades nya at pinag masdan ako na parang kinikilala ako.

"Salamat naman at nakita na kita." Panimula ko.

"Akala ko hindi na kita makikita ulit. Tara na, uwi na tayo sa Pinas." Nakangiti kong sabi. Para naman syang gulong gulo sa sinasabi ko.

"Excuse me mister. Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong nya na parang hindi nya ako kilala.

"Haha. Lakas mo naman mang trip. Ang galing ha, parang di mo ko kilala." Natatawang sabi ko. Napansin ko naman yung ilan sa mga kumakain sa paligid namin, yung iba kasi pinag mamasdan kami.

"Cute couple."

"Couple red scarf. Ayiiiee. Gusto ko din nun hon."

"Tignan mo yung couple na yun oh. Ang cute may couple scarf pa."

"Bagay sila. Sana mag tagal sila."

Ilan sa mga naririnig ko sa paligid.

"Hey, we're not couple here. Ni hindi ko nga sya kilala." Depensa ni Jennie.

"Soulmate lang po kami. Destiny kasi namin ang isa't isa." Pag sakay ko sa sinasabi ng mga taong pumupuri samin.

"Baliw kang babae ka." Sabi ni Jennie na ang sama sama ng tingin sakin. Tumayo na sya at nag lakad palabas ng restaurant.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora