CHAPTER 19: Friends to Strangers

1.6K 29 4
                                    





BAMBAM's POV


"Tsk. Late na ko." Singhal ko ng makapasok ako sa loob ng CJU.


Badtrip kasing Jin yan e. Makapag aya kasing mag bar kala mo walang pasok bukas. Tsk!

Nahaling na yata sa alak at babae yung bugok na yun. Hays!

Simula nung matapos yung party na pinuntahan namin nila Lisa hanggang mag bakasyon tapos ngayong pasukan madalas nalang kaming nasa bar pag gabi tapos tulog sa umaga. Tsk.

Ano ba kasing problema ng isang yun? Ayaw naman mag sabi.


"Hey, Mr. Phuvakul. You're late. Stay outside!" Sabi nung prof pagkabukas ko ng pintuan ng room namin.


"Sinong late?" Sabay akbay ng kakarating lang na si Jungkook.


"Uhh? Mr--" natigil sya.

"Jeon Jungkook." Sabi nya saka na ako hinila sa upuan namin.


"Ang galing mo tumayming Ah." Bungad samin ni Lisa.


"Kami pa ba?" Mayabang na sagot ni Jungkook.


"Oh nasan yung isa?" Tanong nya pa.

"Akala ko kasama netong si Bambam e." Turo sakin ni Lisa.


"Nalate ako dahil dun eh. Tsk." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong ni Lisa.


"Eh kasi umaga na kami nakauwi galing sa bar. Alam nyo bang namasok ng bahay ng 10pm ng gabi. Tapos aayain akong mag bar. Boset. Di ko naman alam yung dahilan." Naiinis kong paliwanag.

"Lagi kaming ganun. Bago pa mag tapos ang first sem." Dagdag ko pa.

At kahit nag dadaldalan kami, hindi kami sinisita ng prof. Haha. Ang astig talaga netong si Jungkook e. Pero Bakit kaya takot sakanya pati yung mga prof??



"My goodness! You're 30mins late Mr. Kim Seok Jin. Hindi na kita tatanggapin sa klase na ito. Labas!" Sita ng prof namin sa walang kabuhay buhay na si Jin.


"Papapasukin mo sya o ikaw ang palalabasin ko??" Kalmadong Tanong ni Jungkook.


Hindi na nakapag salita yung prof. Dumiretso naman na agad si Jin sa upuan nya. Pero nung madaanan si Jungkook..

"Dapat hindi mo na yun ginawa." Seryosong sabi nya saka naupo.



Nagdaldalan lang kami nila Lisa ng kung ano ano hanggang matapos ang morning classes namin.



"Jen, Irene. Sabay kayo samin maglunch?" Aya ko sakanila.

"Next time na Bam. May lakad kami e." Pag tanggi nila saka na naglakad palabas.

Papasok naman si Lisa sa pinto dahil galing sya ng cr.

"Hi Lis." Bati ni Irene.

"Hey Irene. Jennie. Saan kayo pupunta?" Tanong ni Lisa.


Napansin kong nakatigil sya sa pinto, tapos ni hindi man lang sya pinansin ni Jennie.

Nginitian na lang sya ni Irene habang sinundan si Jennie palayo sakanya.


Nilapitan naman na namin si Lisa.


"Brother? Anyare?" Tanong ni Jungkook.

"Sungit nanaman ba?" Dagdag ko.



I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora