Chapter 41: Mahal mo ba ako?

1.5K 24 0
                                    



SEOK JIN's POV

"Bakit ang tagal nyo naman?! Kanina pa ako nandito. Nakakaboring pa yang prof na yan." Bungad ko sa kakarating lang na sina Bambam, Lisa at Jungkook.

"Ang tagal kasi ni Lisa." Sagot ni Jungkook nang makaupo na sila.

"Si Bambam kasi e, dinaldal ako." Pag pasa naman ni Lisa dun sa isa.

"Ewan ko sainyo." Sabi ko nalang saka tumunganga sa nag didiscuss na prof sa harapan.

Maya maya may kinausap yung prof namin sa labas.

"Who's Lalisa Manoban?" Tanong ni maam.

Tumayo naman si Lisa.

"Tawag ka ni Ms. Nam sa faculty." Sabi nung prof namin.

"Tawag kana naman nung babae mo. Ang tibay nya ah." Bulong ni Bambam.

Di na pinansin yun ni Lisa, lumabas na agad ang loko.

"Nasan sila Jisoo?" Tanong ko.

"Hindi yata pumasok. Magkasama sila ni Chipmunk kanina kila Lisa nung umalis kami." Sagot ni Bambam.

"Hindi tayo gagala?" Tanong ko.

"Tinatamad ako. Tambay na lang tayo kina Lisa." Sabi ni Jungkook at natulog nanaman sa klase.

.

.

Matapos ang klase namin, kumain muna kami sa canteen bago pumunta kina Lisa.

"Oh? Ano nanaman pinagawa sayo nung babae mo?" Tanong ni Jungkook.

"Wala. Miss nya lang daw ako." Walang gana nyang sagot.

"Ts. Halos araw araw kang nasa faculty dahil sakanya." Sabi ko.

"Baliw yun eh!" Sabi nya saka Nag kalikot sa phone.

"Ano balak nyo?" Tanong ni Bambam.

"Ang boring naman kapag wala yung mga girls. Haaay." Sabi ni Lisa habang busy sa phone nya.

"Tara sainyo. Tambay muna." Aya ko sakanila. Agad naman silang pumayag Kaya pumunta na kami kila Lisa.

Nang makarating kami. Nadatnan namin sa living room sina Jichu.

"Oh, anong ginagawa nyo dito?" Tanong nya na nakakunot yung noo.

"Bakit? Sayo tong bahay?!" Pag tatanong ko din.

"Magsisimula nanaman kayo e." Awat agad ni Bambam at hinila ako paupo sa couch.

"Kuha lang ako ng pagkain." Sabi ni Lisa saka nag punta sa kitchen.





"Bakit hindi kayo pumasok?" Tanong ni Bambam kina Rosé.

"Nakakatamad e." Sagot nya.

"Kaya nanood nalang kayo ng mga korning palabas?" Walang reaksyong tanong ni Jungkook.

"Maganda kaya yan. Panoorin nyo kasi." Pag tatanggol ni Jichu na nakatitig na sa screen.

Kaya nakinuod na din kaming tatlo. Wala e, Wala na din naman kaming magawa.

"Kawawa naman yung babae, iiwan na sya nung lalaki." Sabi ni Rosé na naluluha na.

Yung nangyayare kasi sa pinapanood namin ganito.

Umiiyak yung babae, kasi aalis na yung lalaki. Nasa airport sila. Nag mamakaawa yung babae Pero Nag mamatigas yung lalaki.

"May dahilan yan kaya aalis!" Kumento ni Bambam.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now