Chapter 34: YOU and ME

1.4K 28 4
                                    



LALISA's POV

"Kasya ba tayo?" Tanong ni Ju-ne.

"Oo yan." Sagot ni Bambam habang nag aayos ng mga gamit namin sa gilid.

Nandito na kasi kami sa loob ng tent kasama sina Suho at Ju-ne.

Nararamdaman ko na yung Pag sikip ng tent. Medyo kinabahan na ako. Hindi kasi ako sanay sa masikip na kulob na lugar. Kinakabahan ako na parang hindi ako makahinga. Minsan nakokontrol ko pa. Kaso, minsan hindi ko talaga Kaya. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan.

Nakabasa ako ng ganung mga sintomas sa internet. Hindi ko masyadong naintindihan. Pero, May phobia yata ako? Claustrophobic daw ang tawag sa mga taong takot sa mga kulob na lugar. May ilan pa akong nabasa na tumugma talaga sa mga kinatatakutan ko.

Napansin kong tulog na pala silang lahat at ako nalang ang gising.

Sarado na yung tent. Ako yung nasa pinakagilid katabi ko Si Jungkook, tapos sina Jin at Ju-ne tapos sina Bambam at Suho sa ulunan namin.

Dahil nilalamig parin ako, naka kumot ako. At dahil antok na antok nako, mabilis akong nakatulog.

.

.

Nagising ako nang makaramdam ako ng init. At Pag dilat ko, napansin ko yung pagkadikit ko sa gilid ng tent, yung pagsiksik sakin ni Jungkook, at yung pagiging kulob ng lugar. Dahan dahan akong hiningal at nag papanic hanggang sa naupo na ako at medyo hirap na huminga. Parang ansikip ng dibdib ko, parang wala ng hangin sa loob ng tent namin. Para nanaman akong nilalamon ng kasikipan. Nanghihina ako. Tinanggal ko yung kumot ko dahil sa tagaktak na yung pawis ko.

Tinatapik ko si Jungkook pero hindi sya nagigising Kaya napag pasyahan ko na lumabas na agad, baka mamatay ako ng Di oras.

Nang makalabas ako. Wala akong nakitang taong nasa labas, mukhang tulog pa sila lahat.

5am na ng umaga Pero tahimik pa din. Mukhang napuyat lahat ng kasama namin.

Kinuha ko yung gitara sa loob ng tent namin. Saka ko tinungo yung sa bandang lutuan namin. May puno kasi yun sa gilid.

Nakasandal ako sa puno habang nakaupo ako sa ugat nito. Iniayos ko yung paghawak sa gitara at tumugtog ng musikang nalalaman ko.

Nakapikit ako, pinakiramdaman ang paligid, hanggang sa mawala na ako sa kasalukuyan at tuluyan ng nabalik sa nakaraan.

(YOU AND ME - LIFEHOUSE)

Lisa:

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive

Naalala ko yung mga nakaraang kasama ko sya.

I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Yung mga panahong maayos kami. Yung masaya, yung kaming dalawa lang. Walang pakialam sa iba.

Jennie:

'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose

Napadilat ako ng marinig ang tinig na iyon. Yung tinig na hindi ko akalaing maririnig ko sa pagkakataong ito.

Jennie:
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

Nakatayo sya sa harapan ko. Nang magtama ang mga mata namin. Para akong hinihila palapit sakanya. Tumayo ako, at inilapag ang gitara. Nilapitan ko sya na hindi napuputol ang titigan sa pagitan kaming dalawa.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now