Chapter 67: Bakit mo ko iniwan?

1.4K 35 3
                                    




JENNIE's POV

Katatapos ko lang mag lunch. Nag bihis na ako agad. Pupuntahan ko si Kai ngayon. Dalawang araw na lang kasi at uuwi na si Bestie at may pasok na kami. Baka hindi ko na sya madalaw kaya mag sasabi na ako sakanya.

Nang makarating na ako. Nakangiti na sya malayo pa lang. Nung palapit na ako sakanya, niyakap nya ako.

"Akala ko hindi kana babalik e." Sabi nya at naupo na kami.

"May dala ka bang lunch? Sabi mo kahapon mag dadala ka?" Sabi nya. Nanlaki naman ang mata ko.

"May sinabi ba ako? Hala. Nakalimutan ko. Sorry." Sabi ko na napayuko. Nakalimutan kong lulutuan ko nga pala sya dapat ng lunch nya ngayon. Haaays. Jennie ano bang nangyayare sayo!?

"Hahaha. Okay lang. Kumain naman na ako." Sabi nya.

"Sigurado ka? Sorry talaga." Sabi kong nahihiya sakanya.

"Wag ka mag alala. Naiintindihan ko. Alam kong may problema ka ngayon. Ilang araw kanang wala sa sarili. Mula lang yan nung nag away kami ni Lisa. Ano bang nangyare?" Tanong nya.

"Pinalayo ko na kasi sya sakin. Inaway ko sya. Wala na sya sa buhay ko. Pero hindi sa nag kakagusto na ako sakanya ah!" Paliwanag ko.

"Hahaha. Rj, pangako mo sakin na kapag nakaalala kana. Kahit isang beses lang, bumalik ka dito ha." Sabi ni Kai.

"Ano bang pinag sasabi mo Kai?! Syempre naman. Kahit naman makaalala na ako madalas pa din kitang dadalawin dito. Boyfriend kita e." Sabi ko.

Ngumiti lang sya at sinabing umuwi na ako para makapag pahinga na ako.

.

.

"Oy. Bukas na uwi ng bespren mo di ba?" Napalingon naman ako sa nag salita.

"Oo bakit?" Tanong ko kay Chachee na nasa pintuan ng kwarto ko.

"Tara. Gala tayo." Aya nya nung nakaupo na sya sa sofa.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Kalimutan mo muna lahat ng problema mo. Mag inom tayo!" Nakangiti nanaman syang nakakaloko.

"Mag inom?" Napaisip naman ako sa sinabi nya. Bakit nga ba hindi ko subukan? Para makalimot ako sa pakiramdam na to? Siguro pag sumama ako sakanya sasaya ako?

"Sige na. Mag bihis kana." Sabi nya saka lumabas sa kwarto ko. Nag bihis naman ako agad.

.

.

"Inom pa! Wooohooo!" Sabi ng masayang masaya na si Chahee.

"Hahaha. Shiige ba! Kala mo uurungan kita!" Sabi ko na nakaramdam na din ng pagkalasing.

Kumuha pa kami ng maiinom at tungga lang ng tungga.

Kumuha kasi sya ng private room. Kasama naman namin sina Yeji at yung iba pa naming kaibigan. Yung iba nag kakantahan, nag chismisan nag paparty party.

"Buti nalang Cha napasama mo yan si Rj." Sabi ni Yeji.

"Alam mo naman pag broken. Di ba? Hahaha." Sabi nya at nag tawanan na sila. Nakaramdam na ko ng hilo kaya hindi na ako nakasali sa usapan nila.

Napasandal na pala ako kay Chahee.

"Kaya mo pa?" Tanong nya.

"Oo naman syempree" Sagot ko kahit pipikit na yung mga mata ko.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now