Chapter 59: Sino ka ba?

1.2K 27 1
                                    




JENNIE's POV

Nasaan kaya ako? Isang malawak na lugar na may ilan ilang puno sa paligid. Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.

"Jennie, makinig ka sa mga sasabihin ko." Sabi nya ng seryoso.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Jennie, salamat sa lahat." Nakangiting sabi nya.

"Para saan?" Tanong ko.

"Sa lahat. Sa lahat ng masaya at masakit na pangyayare sating dalawa. Masaya akong nakilala kita. Hinding hindi ko pag sisisihan na sayo ko ginugol yung oras at pagmamahal ko." Sagot nyang nakangiti ng malungkot. Bakit ang bigat bigat sa puso ng pinag sasabi nya?? Para akong maluluha.

"Jennie, salamat at patawarin mo ako. Kailangan ko ng umalis." Sabi nya at tumalikod na saakin.

"Wag mo kong iiwan!" Sabi at niyakap sya habang nakatalikod. Hindi ko na napigilang umiyak ng umiyak. Lumiliwanag yung buong paligid. Pero hindi ko parin sya binibitawan. Ayoko. Ayokong umalis sya. Ayokong mawala sya.

Hanggang sa..

"Tahan na. Hindi kita iiwan." Nang dumilat ako, nakahiga lang ako sa kama at yakap yakap ko si Kai.

"Anong nangyare?" Tanong nya.

"Nanaginip kasi ako." Sabi ko.

"Na?" Tanong nya.

"Ano, iiwan daw nya ako. Aalis daw sya. Pero, hindi ko kilala kung sino sya. Basta taong walang mukha." Pag sisinungaling ko.

"Ah. Wag kang mag alala, ako hindi kita iiwan. Uhm mag ayos kana at kakain na tayo." Sabi nya saka lumabas ng kwarto.

Napaupo naman ako.

Bakit ko sya napanaginipan? At bakit ganun yung panaginip ko? Di ba ako yung umalis at nang iwan? Bakit doon, sya yung umalis at ako yung iiwanan?

Pero yung sakit na naramdaman ko parang totoong totoo? Saka yung pag alis nya parang wala ng balikan?

Ay ewan! Makapag ayos na nga lang. May lakad pa kami ni Bum.

Matapos naming kumain, umalis na si Kai. May aasikasuhin daw sya at intayin ko nalang daw si Bum para makapamasyal ako.

Matapos ko lahat ng gawain. Naupo nalang ako sa couch habang inaantay yung pinsan ni Kai. Tumunganga lang ako sa tv at ilang minuto pa dumating na sya.

"Ready na you?" Tanong nya. Ayan nanaman yung side nyang masaya kasama.

"Kanina pa." Sagot ko.

"Edi tara na. Gora na us." Sabi nyang may pagkamalambot nanaman. Hahaha. Hindi ko talaga alam kung bakla ba tong si Bum o lalaki e. Bakit minsan inaatake sya ng kabaklaan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Dun sa maraming boys teh." Sabi nya. Tinitigan ko naman sya na parang hindi ko sya kilala.

"Hahaha! Joke lang. Mapapatay ako ni Insan neto e. Dun tayo sa lilipatan natin girl." Sabi nya. Okay na sana kaso sa dulo lumambot nanaman sya.

Nailagay nya na sa kotse lahat ng gamit namin. At bumyahe na kami.

Nakaramdam ako ng antok kaya natulog na muna ako.

Maya maya, naalimpungatan ako ng marinig kong nag sasalita sya. Hindi na ako gumalaw kasi antok pa ko. Hindi ko lang sinasadyang marinig ang usapan nila.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now