Chapter 65: Pag tatyaga

1.1K 31 5
                                    



LALISA's POV

Matapos yung gabi na yun. Araw araw na kaming lumalabas..

na dumidiretso lang lagi kay Kai. Oo, lagi ko syang dinadala dun kasi yun yong gusto nya at dun ko sya nakikitang sobrang masaya. Natiis at napag tyatyagaan ko yun araw araw para lang makita syang nakangiti. Malapit lapit na nga siguro akong sumuko dahil sobrang nakakasawa na yung mga nangyayare. Mukhang malapit na kong maniwalang wala na talaga kong pag asa sakanya, maalala man nya ako o hindi.

Pasalamat na lang ako kay Irene at marami akong nakuhang impormasyon tungkol kay Jennie nung mga panahon na kailangan ko. Yung sa pagkain nya. Kay Irene ako humingi ng tulong, kung ano bang mga gusto nyang kainin. Yun yong huli dahil umalis sya. Pinuntahan nya sina Jungkook para makabawi naman daw sya samin. Balita ko, bumubuti na daw ang kalagayan nila ni Jin. Pero, hindi pa sila nagigising.

Si John na nag sabi sakin kung anong mga gustong gawin ng ate nya. Nung una yung sa video games tapos lumabas kami nung nakaraan, pinasyal ko sya sa gustong gusto nya daw puntahan. Tapos yung mga movies na gusto nya, kaya naaya ko syang mag movie marathon. Saka madalas kaming nag fofoodtrip nung mga gusto nyang kainin. Hindi naman mahirap sabayan sa trip si Jennie, kasi naeenjoy ko din naman talaga yung mga gusto nya.

Yung Mama nya na nag turo sakin mag luto. At kung anong timpla yung gusto nya, kaya araw araw ko syang nadadalhan ng breakfast sa kwarto nya. Kung anong gusto nyang ulam tuwing lunch at dinner, nilulutuan ko sya. Kahit nagkapaso paso na ako at nahiwa ng kutsilyo habang nag luluto, wala lang sakin yun ang mahalaga kumakain na sya ngayon.

Ngayon nga pala nandito kami ulit sa presinto. Inaantay si Jennie.

Yung feeling na tatlong oras kang mag aantay sa labas. Hanggang sa lumabas sya. Hanggang sa makita mo yung masaya nyang itsura. Mag tyatyaga akong mag antay araw araw basta nakikita ko yun. Lahat naman ng pagod ko nawawala kapag masaya sya e. Kaya wala lang yun sakin.

*ring ring

Agad ko naman kinuha yung phone ko at sinagot yung tumatawag.

"Hello."

"Lisa, umuwi na muna kayo dito ni Jennie. Nandito na yung lola nya. May pag uusapan daw kayo." Sabi ni Tito sa kabilang linya.

"Osige po." Sagot ko nalang at nag paalam na sya. Lumabas naman ako at pinuntahan si Jennie.

"Uwi na daw tayo." Bungad ko nang makarating ako.

"Huh? E halos kakarating lang natin." Gulat nyang sabi.

"Kailangan e. Hinahanap ka daw ni Mrs. Kim." Paliwanag ko.

"Ayoko pang umuwi. Kung gusto mo mauna kana. Sabihin mo namasyal pa ako!" Huh? Anong nangyare sakanya?

"Bro, ayaw pa nga nya umuwi. Wag mo na kasing pilitin." Sabat naman nung ungas!

"Jennie, hindi pwede! Kailangan na natin umuwi." Pag pilit ko.

"Wag mo sabing pinipilit!" Sabay kinwelyuhan ako nung g*go.

Tinulak ko sya saka ako nag salita.

"Ikaw g*go ka! Wag kanang sulsulero! Sungalngalin kita dyan e." Sabi kong gigil na gigil. Nung nakaraan ko pa pinipigilan to e. Bwiset sya.

"Anong sabi mo?!" Tapos sinapak ako. Inawat naman kami agad nung mga nag babantay.

"Kung mahal mo talaga si Jennie, hindi mo hahayaan na mapahamak sya! Alam mo na ngang mali, sasabayan mo pa. Mabuti ngang nakulong kana! Mabulok kana sana dito!" Sigaw ko. Nadala na ko ng galit ko. Hindi ko na napigilan.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz