Chapter 32: Jamming

1.4K 31 1
                                    



SEOK JIN's POV

Papunta na kami ngayon sa medyo mataas na parte ng camp site, dito sa parang paakyat ng bundok na magubat ang itsura.

Tuturuan daw kaming gumawa ng apoy mula sa kawayan. Nang makarating kami sa lugar na pagtuturuan nya saamin.

Nag simula ng magturo yung facilitator. Pero, discussion muna. Katabi ko si Lisa, sina Bambam at Jungkook nasa likod, sina Jichu, Irene at Jennie naman nasa harapan namin.

Tuloy tuloy lang yung Pag sasalita nung facilitator.

"Ano ba yan! Nakakaboring naman." Bulong na sabi ng inis na si Jungkook.


Si Lisa naman, Napansin kong malapit nang bumagsak yung mata. Hahaha. Nakakatawa kasi yung itsura nya, antok na antok. Pero, sa tuwing titingin sa pwesto namin yung facilitator hindi mahahalata sa mata nya na inaantok.

Ang galing din naman kasi mag panggap neto eh. Hahaha. Idol ko na to!

Ilang salita pa Nag simula na sya mag taga ng mga kawayan, una gumawa sya ng sandok at kutsara. Tapos gumawa ng lutuan ng kanin.

Sinabi din nya samin na pwedeng inumin yung tubig na Nag mumula sa kawayan dahil malinis naman daw yun.

Ngayon, gumawa na sya nung mga kailangan nya para makapag paapoy. Pag tapos nun, sinimulan nya nang Pag kaskasin yung dalawang kawayan.

Maya maya umuusok na yon. Tapos umapoy na.

Sila natuwa. Kami.. bored.

Pag tapos pinababa na kami para sa susunod na activity.

"Hiking na guys! Mag bihis kayo ng magaan at malamig sa katawan." Sabi samin ni Shewi.

Kaya pumasok na kami sa loob ng tent. Nagpalit si Lisa ng jersey shorts, tapos nag suot ng napakanipis na sando tapos Nag patong ng hindi naman makapal na jacket sabay suot nung hood.

"Paalala ko lang, hiking bro. Sa napakainit na araw." Sabi ni Jungkook.

"Alam ko. Ayoko lang talaga umitim." Sagot nya. Kaya NGANGA kaming tatlo.

"Yun din ba dahilan mo kaya di ka sumasali samin mag basketball?" Tanong ni Bambam.


"Oo." Tipid nyang Sagot saka na lumabas. Nagtinginan naman kaming tatlo.


Nag palit na ako ng manipis na tshirt saka jersey shorts. Ganun din naman yung dalawa. Naka cap si Jungkook tapos may shades naman Si Bambam.


Matapos namin mag ayos, lumabas na kami agad. Tapos Nakita namin sina Rosé at Irene na katulad din ni Lisa na nakajacket. Tapos nakacap pa Si Rosé at May shades.

"Tara na. Balik na tayo dun." Sabi ni Jichu na kakarating lang kasama si Jennie.

Bumalik na Agad kami sa balwarte, nandun na din yung mga kaCluster namin. Kaya nag simula na mag bigay ng instructions Si sir Austin. Sya pala ang incharge sa hiking namin.

Maya maya Nag lakad na kami. May pababa tapos puro paakyat na. Nung una madali dali pa.

"Hoy mga bugok!" Tawag samin ni Lisa nung naglalakad kami.

"Oh bakit?" Tanong namin.

"Alalayan nyo yung mga girls." Sabi nya.

Hindi na kami sumagot, inantay nalang namin na masabayan yung apat na babae.

"Nays. Inintay kami." Sabi ni Irene.

Tapos sabay sabay na kaming umakyat. Nakapila kasi ng dalawang linya, na sinusundan Si sir Anthony na nasa unahan. Kaya hindi kami maliligaw.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon