Chapter 63: Ms. Stranger

1.2K 24 1
                                    




JENNIE's POV

Pag tapos kong kumain, naalala ko yung sinabi ni Ms. Stranger. Kaya kinuha ko naman yung pinagkainan ko at dinala sa kusina.

Hindi ko alam kung bakit ko sinusunod ang sinabi nya, may gayuma ba yung pagkain ko? Pero hindi naman ako inlove sakanya. Baka kapag nakita ko sya?

"Mama, Papa. Kumain na si Ate." Bumalik naman ako sa Earth nang mag salita si John.

Napansin ko naman na napatingin sila saakin ng may ngiti sa mga labi. Hindi ko yun pinansin at dinala sa lababo yung pinagkainan ko.

May tampo kasi ako sakanila. Kasi ayaw nila akong payagan na bisitahin si Kai. Gustong gusto ko na syang makita pero hindi ko rin naman kasi kayang mag sinungaling sakanila. Kaya hindi na ako lumabas kwarto at hindi ko na sila pinapansin.

"Aba, mukhang nasarapan ka ah. Ang linis ng pinagkainan mo." Nabalik ako sa Earth ulit ng magsalita yung babaeng yun. Nasa harapan ko sya sa tapat ng lababo at ang lapad ng ngiti nya. Ang ganda naman ng pag ngiti nya. Parang may naramdaman ako sa puso kong kakaiba.

"Matunaw ako." Sabi nya at nag pout.

"Hindi kita tinititigan! Wag ka nga mag pout." Depensa ko.

"Bakit? Gusto mo kong ikiss?" Nakakaloko nyang tanong. Tss. Pwede ba? Kahit isa lang? Aysh! JENNIE ano bang pinag iisip mo! Lagot ka talaga kay Kai pag nalaman nya yan.

"Ang panget mo! Di ko gustong kumiss ng panget." Pag susungit ko. Baka kasi mahalata nyang nagnasa ako ng kaunti kanina. Kaunti lang naman e.

"Hahaha. Bumalik kana nga sa kwarto mo. Matulog kana ulit." Sabi nya at tinuloy na yung pag huhugas ng mga pinagkainan.

Ano ba sya namin dito sa bahay? Katulong?

Makabalik na nga lang sa kwarto ko. Hindi na ako sumagot para hindi ko na makausap ang babaeng yun.

Pag dating ko sa kwarto nahiga ako ulit. Pero ilang minuto lang naupo ako. Hindi naman ako inaantok. Nilibot ko yung mata ko sa paligid.

Nakita ko yung phone ko. Kinuha ko yun at nakita kong may message.

FROM: Bestie

Goodmorning bestie. Alam kong nakakain kana ngayon. Masarap ba? Sorry hindi mo ko naabutan kanina. Tagal mo magising e. So, ngayong lunch babalik na lang ako.

- Napangiti ako ng mabasa yun. Si bestie talaga oh. Dadalhan nya daw ako ng lunch mamaya, yung gusto kong kainin para daw marami akong makain. At nag pustahan kaming makakatatlong cup ako ng rice kapag niluto nya yung gusto ko.

Matapos namin mag katext, naboring nanaman ako. Ano kayang pwede kong gawin? Nakita ko naman yung game controller namin. Bakit nakalabas? Nag laro kaya si John?

Hindi man lang niligpit. Pero parang may idea na ako kung anong gagawin ko.

"Gusto mong mag laro?" Tanong nung babaeng nasa pinto nanaman ng kwarto ko.

"Bakit ba bigla bigla kana lang sumusulpot?!" Tanong ko. Syempre pasungit.

"Hindi naman e. Hindi mo lang kasi ako maramdaman." Sabi nya at lumapit sa controller.

"Tara. Laro tayo. Kung sinong matalo may dare." Sabi nya at naupo na dun sa harap ng tv screen.

"Ayoko nga." Pag papakipot ko. Pero, gusto ko naman talaga mag laro e.

"Kapag nanalo naman, may premyo." Sabi nya.

"Anong premyo?" Tanong ko. Parang na curious ako bigla.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now