Chapter 81: Giant Teddy Bear

4.1K 70 41
                                    



JENNIE's POV

"Ehem. Happy Birthday Jen. Ano ba? Uhm, thank you kasi isa ako sa mga naging friend mo. Pero Jen ngayong birthday mo, sana maging espesyal to sayo. At thank you din kasi pinasaya mo yung bestfriend ko, wag ka mag alala kapag sinaktan ka non, sasaktan ko din yon ng bonggang bongga! Ako na mag eeffort para sayo. Hahaha." Pagbati at pag bibiro ni Jisoo. Natawa naman ako sa mga sinabi nya.

"Ang wish ko para sayo, sana marami pa tayong birthday na maicelebrate ng magkakasama. Sana madami pa tayong bonding sa mga susunod pang mga araw. Sana good health din sayo and family mo. Pag may problema ka, nandito lang kami ng mga friends mo lalong lalo na si Lisa, always support yan sayo kaya di ka mag kakamaling lapitan sya kung may problema ka man. Happy birthday ulit Jen." Sabi nya tapos lumapit na sya sakin, inabot yung gift tapos hinug ako ng mahigpit.

"Thank you Jisoo." Nakangiting sabi ko bago sya bumaba sa stage. At ang huli ay si bestie. Umakyat sya sa stage at kinuha yung mic.


"Alam ko madami akong kasalanan sayo noon, pakiramdam ko nga hindi ko na deserve maging best friend mo. Kasi dapat sinuportahan kita sa mga bagay na gusto mo at hindi kita dapat inilayo sakanya. Masyado ako naging selfish at dumating na sa point na nasasaktan kana ng sobra at may mga napahamak pa. Sorry bestie! Sorry." Sabi nya at hindi nya na napigilang umiyak. Agad naman akong lumapit sakanya para yakapin sya.


"Sorry Jennie. Sorry talaga." Sabi nya at humagulgol na sya. Naiiyak na din ako.


"Shh. Bestie tama na. Tapos na yun, napatawad na kita. Wag kana umiyak. Pumapangit kana." Sabi ko. Humarap naman sya sakin at pinunasan ko yung pisngi nya.


"Happy birthday bestie." Sabi nya habang tumutulo pa din yung luha, hindi ko mapigilang hindi matawa sa itsura nya kaya natawa nalang din sya.


Dumating na ang oras para sa 18 roses pero hanggang ngayon hindi ko pa din makita si Lisa, mula nung nag paalam sya kanina hindi pa din sya bumabalik. Nasan na kaya yun? Ano bang nangyare kanina? Bakit sya biglang umalis?


"Anong iniisip mo?" Tanong ng first dance ko. Si Jin.

"Si Lisa. Nasan ba sya?" Tanong ko.

"May pinick up lang, regalo nya sayo." Nakangiting sagot nya.

"Ah, Jin. Thank you sa lahat ng tulong mo samin ni Lisa. Ikaw yung nasasabihan ko ng nararamdaman ko, tungkol sakanya. Ikaw din gumagawa ng paraan para mapaglapit kami. Lalo na nung sinabi mong dapat ko syang bigyan ng pagkakataon." Nakangiting sabi ko.


"Wala yun Jen. Alam ko naman na mahal nyo yung isa't isa. At nasasaktan ako na nakikita kayong nahihirapan. Masaya akong nagkatuluyan yung isa sa mga favorite kong loveteam sa barkada." Sabi nya at nilapit nya ako sakanya. Ngayon nakapatong na yung baba ko sa balikat nya.


"Jen, favor lang oh. Sagutin mo na si Lisa para naman sagutin na din ako ni Jisoo." Bulong nya sakin na ikinagulat ko. Agad naman akong humarap sakanya.


"Sabi kasi sakin ni Jisoo, kapag hindi daw kayo nag katuluyan mag mamadre na lang daw sya. Edi ibig sabihin kapag nagkatuluyan kayo maniniwala na syang may forever." Nakangiting paliwanag nya. Napailing nalang ako habang natatawa.


"Kim Seok Jin, mag diwang kana kasi mamaya sasagutin ko na si Lisa." Sabi ko na ikinalapad ng ngiti nya.

"Yes!" Sigaw nya na ikinatingin ng mga tao samin. Napatawa naman kami kasi sa tingin ko na misunderstood nila yung pag sigaw ni Jin.


"Hoy! Kay Lisa yan!" Sigaw ni Jisoo.


"Selos lang yan." Bulong ko.

"Sige na ipapasa na kita baka isipin nya nag tataksil ako sakanya." Natawa kaming pareho at pinasa nya na ako kay Jungkook.



I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now