CHAPTER 12: The reason behind...

1.6K 33 2
                                    

JENNIE's POV


*kablag kablag kablag

"Ruby Jane! Ruby Jane! Mag usap tayo! Pakinggan mo naman ako. Mag papaliwanag ako. Please, Rj!" Pag pupumilit ni Kai pumasok sa room kung nasaan ako.

"Hoy! Ang ingay mo. Pwede ba, umalis kana! Ayaw ka nga kausapin ni Rj." Sigaw sakanya nung gangster na kaibigan ko sa room, si Kuya Cid.

At kaya Rj ang tawag nila sakin dahil Ruby Jane ang second name ko.

"Rj! Kausapin mo ko. Mag papaliwanag ako. Rj! Mahal kita! Totoo yun. Paniwalaan mo naman ako!" Tuloy lang sya sa pag pilit na mabukas yung pinto. Hinaharangan kasi yun nung mga gangster na kaklase namin. Kahit ganun kasi sila, yung mga babae sa room ang kanilang sinusunod.

Wala na kasing tao sa room. Tatlong gangster lang ang nandito at ako. Hindi ako makalabas dahil sa pag pipilit ni Kai na pumasok.

*kablag kablag--

"Bwiset! Ang kulit kulit mo. Napipikon na ako sayo!" Sabi nung lider nung mga gangster na si Kuya Renz, saka binuksan yung pinto at sinapak si Kai.

Gumanti naman si Kai. Pero, napag tulungan sya nung tatlo. Nasapak sya sa ilong sa gilid ng mata at sa labi. Hindi ko na matiis ang nakikita ko kasi mahal ko sya!

"Tama naaa!" Naiiyak kong sigaw.

Agad naman silang natigil nung makita akong naluluha na.

"Rj, kausapin mo na yan. Alam naman naming nasasaktan ka din kapag nakikita syang ganyan." Seryosong sabi ni Kuya Ben.

"Tapusin mo na ang dapat tapusin." Sabi ni Kuya Cid.

Tumango nalang ako bilang sagot. Tapos iniwan na nila kami.

Tinignan ko si Kai na nakatayo medyo malayo sa kinatatayuan ko. Dumudugo yung ilong nya, yung labi nya medyo nag dudugo na din. Nakatitig sya sakin.

Ilang segundo bago sya nag lakad saka ako niyakap.


Yung yakap nya na masarap sa pakiramdam pero masakit sa puso. Kasi alam kong hindi naman totoo. Kasi alam kong pinaglaruan ako, ginawa lang akong tanga!

Bigla ko syang naitulak nang maalala ko lahat ng mga narinig ko.

"Totoo ba?!" Tanong ko sakanya.

Tumango sya.

*pak

Sinampal ko lang naman ang gago.

"Pero, nung una lang yon. Kasi minahal na kita Rj. Mahal na mahal na kita." Sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Matapos nyo kong pag pustahan ng mga kabarkada mo?! Matapos mong paglaruan yung damdamin ko?! Sa tingin mo matatanggap pa kita?!" Sigaw ko sakanya, yung galit ko nag uumapaw na at yung luha kong gusto nading kumawala.

"Sorry Rj. Please patawarin mo na ako. Pinagsisisihan ko na lahat nung nagawa ko. Tayo na lang ulit? Rj Please. Mahal na mahal kita." Pag mamakaawa ni Kai.


Pero, dahil sobra pa yung galit ko sakanya. Kahit gaano ko pa sya kamahal. Sobrang sakit nung ginawa nya. Sobra!


"Ayoko na Kai. Tapos na tayo! Hinding hindi na ako makikipag balikan sayo. Umalis kana." Seryoso kong sabi sakanya. Kahit na gustong gusto ko ng umiyak ng mga oras na sinasabi ko yun.

"Rj. Please." Seryoso din nyang sabi.

"Umalis kana!" Sigaw ko. Hirap na hirap na kasi akong pigilan yung Nag uumapaw na emosyon sa loob ko.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now