CHAPTER 8: Lovenat

2.5K 54 1
                                    

JENNIE's POV

"Alam mo ba kung saan to?" Tanong ni Lisa habang iniaabot sakin yung card na nakalagay yung address nung shop na pupuntahan namin.

Kinuha ko naman yun at binasa.

"Lis? Sa Pampangga pa tong lugar!" Sabi ko. Ang layo naman yata??

"Oh? Alam mo papunta doon?" Tanong nya. Teka? Hindi ba sya nainform na sobrang layo nun para sa pag papaprint lang ng Tshirt?!

"Hoy! Sigurado ka bang yun talaga yung place?! Kase Ang layo nun dito kung nasaan tayo ngayon." Pag susungit ko nanaman.

"Sabi ni Jungkook eh. Yan yon. Puntahan na lang natin. Alam mo naman pala yung daan eh." Sabi nya habang Nag dadrive.

"Bahala ka nga dyan!" Naiinis kong Sabi saka lumingon na lang sa katabi kong bintana.

"Oh, san na ako dadaan? Dito sa kaliwa o diretso?" Tanong nya.

"Diretso lang. Hanggang sa mabangga." Sabi ko.

"Seriously?" Sya. Hays. Parang di nya ko kilala.

"Diretso nga lang." Pag bigay ko ng direksyon Kahit hindi ako masyadong kumbinsido sa address na yan. -______-

"Okay boss." Sagot nya.

Ilang oras na din kaming nasa byahe. Nasa Pampangga na kami. Pero, hindi pa namin mahanap yung shop. Mga isang oras kaming Nag tatanong tanong sa mga taong madadaanan namin.

Kaso, hindi nila alam kung saan yon. Hays!

Napansin kong Nag dial na sa phone si Lisa. Medyo pagod na rin siguro to at gutom na ko kaya gutom na din to malamang.

"Hoy!" Sigaw nya sa kabilang linya.

"Anong ano na?! Walang nakakaalam ng shop na yan dito sa Pampangga! Pinag lololoko mo ba kami?!" Naiinis na Sabi nya.

"Ano?! *aassddffgggghhhjjkkll*" pagkatapos ng napakaraming mura na sinabi nya sa kausap nya. Hinagis nya na lang yung phone nya sa kung saan.

"Bwiset!" Inis na inis na hinahampas pa yung manibela.

"Manahimik ka nga! Ano ba nangyare?!" Pag susungit ko nanaman. Alam kong hindi sya maiinis pag ganun ako eh. Mas natutuwa nga sya.

"Maling address yung binigay nung *asdfghjkl*" ayan. Asar na asar.

"Ano?! Napaka sama talaga ng Evil Guy na yun Kahit kailan! Bwiset sya! Lapain sana sya ng leon! Kagatin ng ahas! Ilagay sa kumukulong mantika! Ihawin! Gawing letchon! Isama sa--" natigilan naman ako nung mapansin kong nakatulala sakin si Lisa.

"Anong tinitingin tingin mo?!" Sabi ko sakanya. Sungit mode on lang lagi.

"Ginawang pagkain si Jungkook?" Naguguluhang Tanong nya.

"Eh pake mo ba!? Nagugutom ako e!" Sabi ko sabay cross arms.

Hindi naman na sya Nag salita, naramdaman ko na lang na pinaandar nya na pala yung kotse.

Maya maya, lumiko sya sa isang fastfood chain? Drive thru?

Omorder sya ng Medyo marami raming foods. *_____*

Tapos nung makuha nya na. Uwaaaaah!

May isang bucket ng fried chicken, May apat na large fries, May apat na spaghetti, May dalawang ice cream, tapos drinks. Waaaaah! Heaven!

Gutom na gutom pa naman ako ngayon. Yung iba nilagay muna ni Lisa sa likod.

Yung pagkain ko ngayon? Tag iisa nung lahat ng nabanggit ko kanina. Hahaha!

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now