CHAPTER 17: It's too late

1.7K 35 1
                                    


IRENE's POV

Nangako na sakin yung bestie ko na tutulungan nya ako kay Lisa.

Pero, Alam ko naman na gusto nya si Lisa at gusto din sya ni Lisa. Oo, Alam ko. Eh anong magagawa ko, Mahal ko si Lisa!


Yung totoo nyan nung nasa plaza sila at magkahawak ng kamay, nakatitig sa isa't isa.. iba talaga e. May something.


Nasasaktan ako. Naranasan naman na ni bestie ang mahalin. Siguro naman ako naman dapat sa pagkakataong ito.



Gusto ko din naman na maranasan yung pakiramdam ng ipaglaban, mahalin at ingatan. Katulad ng ginawa ni Kai sakanya noon. Kahit nasaktan sya atleast naranasan nya yung feeling ng pag mamahal. Kaya ngayon, ako naman.


"Bae Joo Hyun, bakit mo ako pinapunta dito? Ano bang mahalagang pag uusapan natin?"


Speaking of the devil. Dumating na sya.


"Ang tagal mo naman! Hindi porket galing ka ng states e paVIP kana lage." Pabiro ko sakanya.

"Ano ba kasing pag uusapan natin?" Tanong nya.


"Sumama ka sakin." Tapos umalis na kami.

Byebye!

.
.

LALISA's POV

Tama ba tong gagawin ko? Tama bang aamin ako??

Hays!

Ang tagal na naming di nag kita.


Last nung sakanila pa. After nun napilay ako sa paa dahil sa pagkahulog ko sa hagdan. Ang vovo di ba? Hays! Pinasabi ko lang na may sakit ako dahil late na ko nakauwe para hindi masyadong vovo pakinggan.

Tapos nag bakasyon ng ilang linggo kaya nakapag pagaling ako.

Ngayon, pasukan na ulit.

Aaminin ko na ba?


Gusto ko na sya. Paano ko naman sasabihin??


Paano ako mag tatapat?

Itanong ko kaya dun sa mga bugok??

Eh, mukha naman walang mga alam yung mga yun e!

Kay Jisoo kaya??

Isa pa yun e! Kakantsawan lang ako nun ngayon.

Ano bang gagawin koooo?!


*ring ring*

"Hello?" Sagot ko sa phone ko. Hindi ko alam kung sino kase number lang yung nakalagay.

"Hi Lis! Irene to. Pupunta kami ng school ni Jennie ngayon. Sama ka?" Tanong nya.

Si Irene lang pala.

Ano daw?!

Kasama si Jennie!


"Sige. Anong oras ba?" Tanong ko.


"Mga 10am." Sagot nya.


"Okay." Sagot ko.



"Okay. See you. Bye." Sabi nya saka inend yung call.


Nag ayos na ako, 8:30am pa lang naman. Kasi, ewan ko medyo naexcite lang ako.


Tapos na akong mag ayos mga bandang 9:15am. Nang tumawag si papa.


"Lalisa. Nasa bahay ka?" Tanong ni papa sa kabilang linya.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now