Chapter 74: Continuation

1.3K 26 0
                                    



"Parang kilalang kilala mo si Lisa ah?" Tanong ni Jin na parang walang idea sa nangyayare. Aish! Bugok ka talaga.

"Oo naman. Kabisado ko na galawan ng babaeng yan." Sabi nya.

"Gano na ba kayo katagal na magkaibigan?" Tanong ni Jin. Napapikit nalang ako.

"Uhm? Honestly, ngayon palang kami magiging magkaibigan. Haha." Sagot ni Ahin.

"Huh?" Naguguluhang tanong nung bugok.

"Hoy! Kayong dalawa, nambababae nanaman kayo!" Napalingon kaming lahat sa nag salita.

"Babalik na nga ako dun e." Sabi ko saka nag lakad palapit kay Jungkook.

"Isama nyo na yang dalawang yan." Sabi nya saka na nag lakad pabalik ata sa tent namin.

"Oh, tara na. Nag set kami don ng bonfire. Sama na kayo." Sabi ni Bambam na nakasunod pala kay Jungkook kanina.

"Sure." Nakangiting pag payag ni Ahin at sumunod na kay Bambam.

"Teka, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko e." Sabi ni Jin saka sinundan si Ahin.

Nagkatinginan naman kami ni Nayun.

"Ohw, ngayon solo na kita." Sabi nya na medyo napangiti.

"Tara na nga dun. Papakilala na lang kita sakanila." Sabi ko at nag lakad na. Naramdaman ko naman syang sumunod sya sakin.

Pagkarating na pagkarating namin sa sinet up nilang bonfire, nag salita na agad si Chichu.

"Yari ka sa Baby mo, Lover Boy!" Bungad nya sakin.

"Nasan sya?" Nag aalala kong tanong. Kasi lahat sila nakapaikot sa bonfire na ginawa nila, pwera nalang don sa mag best friend.

"Umuwi na!" Sabat ng kapatid ko.

"Seryoso?" Tanong kong seryoso na din.

"Di ka naman mabiro Ate. Nandun sa loob." Sagot nya.

Pag kasabi nya nun agad akong pumunta sa tapat ng tent nila.

"Jennie?" Tawag ko sa pangalan nya.

"Walang Jennie dito!" Rinig kong pag tataray na sabi ng best friend nya.

"Usap muna tayo Jennie." Sabi ko.

"Hoy, ikaw babae ka. Kung mag lalandi ka lang din naman pala, tigil tigilan mo na yung bestie ko." Bungad sakin ni Irene nung buksan nya yung tent nila.

"Hindi ako nag lalandi. Hindi ako nambababae. Promise." Seryosong sabi ko sakanya with matching eye contact pa.

"Kaya pwede padaanin mo na ako at kakausapin ko na muna sya." Dagdag ko. Nakaharang kasi sya sa tent nila.

"Okay! Subukan mo lang paiyakin yang bestie ko, yari ka talaga sakin," Pag babanta nya saka umalis. Agad naman akong pumasok sa loob. Nakahiga si Jennie at nakataklob ng kumot yung buong katawan nya. Kita ko naman na nakatagilid syang nakaharap sakin dahil nakalabas yung kamay nya sa kumot.

"Jennie?" Tawag ko sakanya.

"Bakit nandito ka? Dun kana sa babae mo!" Inis na sabi nya.

"Ayoko. Dito lang ako sa tabi mo." Sabi ko.

"Ayaw kitang makita." Sabi nya na hindi man lang gumagalaw.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Naiirita ako sa pagmumukha mo. Lumabas kana nga dun!" Asar na sabi nya. Humiga naman ako sa tabi nya. Kinuha ko yung kamay nya at pinatong yun sa dibdib ko.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now