Chapter 31: Camping

1.3K 27 0
                                    




JENNIE's POV

Camping naaaaa. Masaya sana kami ni bestie ngayon. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon nga naman!

Sya lang tuloy ang mag eenjoy ngayon. Waaaaaah! Bakit ba kasi ngayon pa tong araw nang pagpapahirap!? Bakiiiiiiiiit?!


"Bestie tara na!" sabi ni bes nang bababa na kami nang taxi.

Ang dami kasi naming dala ngayon eh. Isang bag ng damit, tapos limang araw na pagkain, tapos unan at kumot.

Tatlong araw lang naman kami kaso sadyang matakaw kami ni bestie. Haha.


Nakasakay na kami Agad sa bus #5 pag dating namin. Nakita namin ang iba pa naming classmate sa bus na sinakyan namin. Nandito din ang barkada ni Lisa. Pero, Wala sya.


Hindi ba sya sasama sa camping?


Teka, nandito din pala sina Jisoo at Rosé. Gusto ko sanang mag tanong pero baka kung anong isipin nila. Curious lang talaga ako kung bakit wala sya.


"Oy Bam, nacontact mo na si Lisa?" Narinig kong tanong ni Jin na nasa harapan ko lang nakaupo.


"Hindi pa eh." Sagot naman nang nasa kabilang side nang bus, katapat lang ni Jin.


"Chu, sure bang sasama sya?" Tanong ni Jungkook, katabi sya ni Jin.


"Hindi ko alam. Ang sabi nya baka hindi sya makasama." Sagot ni Jisoo na nasa likuran ni Bambam, katapat namin. Katabi nya si Rosé.

Bakante naman ang katabing upuan ni Bambam. Baka doon nila balak paupuin si Lisa kapag dumating.


"Bambam? Walang nakaupo dyan?" Tanong ni Shewi. Classmate namin.


"Wala. Bakit?" Sagot nya.


"Tinext ako ni Lisa, tinatanong kung may bakante daw ba dito sa bus natin." Sagot ni Shewi.


So, sa iba sya nag sasabi? Hindi sa mga kaibigan nya? O babae nya nanaman to?


"Sasama sya?" Tanong ni Jin kay Shewi.


"Hindi nya sinabi e." Sagot neto.

.

.

Maya maya, umandar na yung bus na sinasakyan namin. May ibang nakaupo na din sa upuan na akala kong uupuan ni Lisa.



Medyo nanghinayang ako. Hindi ko sya makikita nang tatlong araw. Pero, itong mga kaibigan nya makikita ko. Ipinapaalala lang nila sakin si Lisa. Hays.



Bahala na nga.

.

.

Ilanh oras ang nakalipas at nakarating na din kami. Nang nakababa na kami, pinapunta kami dun sa napakalawak na lupa.

Narinig kong tinawag yun nang mga facilitator na 'balwarte' yun daw ang tawag nila doon.


Nang makababa na lahat..

Nakita kong papalapit sa direksyon ko Si..

Si Lisa! Sumama sya! Sumama nga sya. Parang may konting saya sa loob ko na hindi maipaliwanag.


Sinabihan kaming bumuo ng grupo na may sampung katao.


"Tara dito sa grupo namin." Pag sya samin ni Shewi. Ngayon apat na kami, kasama si bestie at Lizy, kulang na lang ng anim.


I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now