Chapter 53: Evil's Plan

1.1K 25 1
                                    



JUNGKOOK's POV

Mula nung magkasagutan sina Lisa at Jisoo, hindi na muna ako nag pakita sakanila. Ayoko munang makita ang pag mumukha ng walang kwentang kaibigan na si Lisa. Sa ngayon kasi, gusto ko lang basagin yung pag mumukha nya kapag nag kita kami.

Bakit hindi? Kasi importante sakin si Jisoo. Kasi sobrang mahalaga sya. Mag kaibigan kami mula pa nung mga bata kami, sya lang yung kasama ko nung malaki ang problema ko sa pamilya ko at ako lang ang kasakasama nya sa mga panahong iniiwan sya ng bestfriend nya. Pinangako ko sa sarili ko na, hindi ko na hahayaang gawin yun ni Lisa. At nag tagumpay ako noon sa ginawa ko. Hindi na nga sya iniwan ni Lisa hanggang sa ngayon. Lagi na silang mag kasama. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon. Nakalimutan nya na yung mga nangyare noon. Kung anong ginawa ko sakanya para hindi nya hayaang masaktan ang bestfriend nya. At dahil doon, pinag iisipan kong ibalik sa alaala nya kung gaano kasakit yung mga bagay na ginawa nya.


"Ang aga aga umiinom ka." Bungad ng kakarating lang na si Jongin. Nasa tambayan kasi ako ngayon. Malapit lang sa bahay.

"Sabayan mo nalang ako. Kumuha ka dun ng baso." Utos ko sakanya. Sa tambayan kasi namin, bahay din pero maliit lang. Saktong kasya lang yung mga tropa.

Tumayo naman sya at pumunta sa lamesa sa dining para kumuha ng baso. Nasa couch kasi ako nakaupo.

"Ano bang nangyare?" Tanong nya nung makaupo sya sa tabi ko.

"Inaway nanaman nya yung babaeng binalikan ko dito." Sabi ko habang nag lalagay ng alak sa baso nya.

"Yung Jisoo yung tinutukoy mo di ba?" Tanong nya. Napalingon naman ako sakanya.

"Paano mo nasabi?" Naguguluhan kong tanong.

"Alam ko kung anong ginawa mo noon. At alam ko ding iniisip mong gawin ulit yun ngayon." Sabi nya saka tinungga yung nilagay kong alak sa baso nya.

"Si Bum ba nag sabi sayo?" Tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na may iba pang nakakaalam nun bukod kay Bum, Jisoo at Lisa. Paano nya nalaman ang bagay na tinago ko ng matagal na panahon.

"Kinwento nya sakin nung araw na pinakilala ka nya sakin." Sagot nya.

"Si Lisa pala ang dahilan kung bakit ka napunta sa America." Dagdag nya pa. Oo, tama sya. Si Lisa nga ang dahilan kung bakit ako nalayo sakanila ng matagal na panahon. Matapos kasi ang mga pangyayareng yun, pinadrop ako sa school namin at pinadala ni Papa sa America kung nasan si Lola para doon na ipagpatuloy ang pag aaral ko.

Matagal akong hindi nag salita at ganun din si Jongin. Pinag lalaruan nya lang yung baso nya na may lamang alak at yelo.

"Gusto mo bang ipaalala sakanya ang mga bagay na dapat at hindi nya dapat ginagawa?" Seryosong tanong nya.

Nagulat naman akong tinignan sya.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Wag kang mag alala, tutulungan ka namin ni Bum. Pag tandain mo sya, mukhang malala ang ginawa nya ngayon. Dahil ang balita ko, nawawala daw ang babae mo." Napakunot noo naman ako.

"Nawawala si Jisoo?!" Tanong ko.

"Oo. Dahil sa nasabi ng walangya mong kaibigan JK." Sabi nya at inabot yung bote ng alak.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Pero, sinisigurado kong hindi ko papalampasin ang pangyayareng to.

"Kapag ininom mo tu, ibig sabihin pumapayag kanang tulungan ka namin sa binabalak mo." Sabi nya saka iniaabot saakin ang baso na may kalahating laman na alak.

Dahil sa galit ko, kinuha ko yun at agad na ininom. Nakita ko namang ngumisi sya.

"Hindi ka nag kamali sa desisyon mo bro." Sabi nya na parang may naiisip na syang plano.

"Late na ba ako?" Napatingin naman kami sa nag salita.

"Haha. Tamang tama lang ang dating mo Bum. Magaling ka talagang tumayming." Kalmadong sabi ni Jongin. Naupo naman ang pinsan nya sa kaharap naming couch.

"Pag usapan na natin yung plano." Sabi nya habang nag lalagay ng alak sa mga baso.

"Ngayon? Agad agad?!" Tanong ko.

"Mas mabuti na yung agaran, para damang dama mo yung sarap sa pakiramdam na mailabas yung galit mo." Sagot nya at iniabot saakin yung baso.

"Ihanda mo na yang kamao mo Bum dahil makakaganti kana sa bumugbog sayo." Dagdag nya pa.


"Haha. Gusto mo lang din mabugbog si Lisa e." Sabi naman ni Bum.

"Mag tigil kayo, walang gagalaw kay Lisa. Ako lang!" Sabi ko sakanila.

"Edi dun nalang sa dalawa." Hirit ni Bum.

"Hindi sila dapat madamay dito. Si Lisa lang ang gusto kong makaharap." Seryoso kong saad. Hindi ko naman hahayaang madamay pa yung dalawang bugok. Alam kong nag aalala lang din sila. Si Lisa at ako lang ang dapat mag harap.

Nag tinginan naman sina Bum at Jongin. Hindi ko magets kung anong pinag usapan nila sa mata. Kinabahan ako sa kung ano mang mga tumatakbo sa isip nila ng sandaling yon.

"Kami na bahala ni Insan mag dala sakanya sa--" hindi natapos ni Bum yung sasabihin nya ng mag salita ako.

"Sa bakanteng lote, sa likod ng school natin dati. Kung saan yung unang beses, Bum." Sabi ko.

"Ipapaalala mo na talaga ha." Sabi nya saka tinungga yung baso nya.


"Dapat nya nang maalala." Seryoso kong sagot.

"Magiging masaya to. Naeexcite na ako sa mga mangyayare." Masayang sabi ni Jongin na may pag tawa pa.


"Mag eenjoy tayo sigurado." Gatong naman ni Bum.

Nag tawanan naan yung dalawa habang seryoso lang akong umiinom. Hanggang sa naiba na yung topic at kung ano ano nalang. Tuloy pa rin kami sa pag inom hanggang sa hindi na namin kaya.

Nakatulog na kami sa tambayan. Nagising ako ng madaling araw dahil sa naiihi ako.

Pag balik ko sa couch para mahiga, napag masdan ko sina Jongin. Parang hindi ako ganun kakomportableng kasama sila. Parang may hindi tama. Bakit kapag yung tatlong bugok naman ang kasama ko, kahit siksikan kami komportable pa rin ako. Pero, hindi e! Kailangan ko na tong gawin para hindi na lumala pa. Lalo na ngayong naglayas pala si Jisoo.

.

.

.

Nang magising ako dahil sa sinag ng araw sa mukha ko, wala na pala sina Jongin dito sa tambayan. Agad kong kinuha yung phone ko para mag tingin ng oras. 8am na pala. Tumayo na ako at napansin kong may papel sa lamesa. Kinuha ko yun at binasa.

"Bro, bukas dumiretso kana sa likod ng school nyo dati. 5pm ng hapon." Yun yong nakalagay sa sulat. Nilukot ko na yun at lumabas na. Sumakay ako ng kotse at umuwi na para makapag bihis. Kailangan ko pang hanapin si Jisoo.

.

.

Lumipas ang isang buong araw na wala akong nakuhang impormasyon kung nasaan sya. Hinanap ko si Bambam pero ang sabi ng Mama nya nasa rest house daw nila dahil may bisita sila. Si Jin naman, umalis daw dahil may inaasikasong importanteng bagay.

At yung ibang source, wala ng kwenta! Bwiset!

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now