Chapter 64: Pag titiis

1.1K 29 5
                                    




LALISA's POV

"Hangga't kaya ko, ilalaban ko. Hangga't nasa isang planeta tayo, hangga't isa ang hangin na nalalanghap natin, hangga't buhay ako. May pag asa pang may mag babago. Intayin natin, ikaw yung mag sasawang ipag tabuyan, sungitan at awayin ako." Sabi ko. Kitang kita naman ang pag babago ng itsura nya, natakot ako sa pwede nyang isagot. Ayoko muna kasing makarinig ng negative sakanya. Tama na yung tanong tanong lang. Haha.

"Ano, round 2?" Tanong ko.

"Game!" Sagot nya at pumwesto na ulit. Sigurado akong hindi na magpapatalo si Jennie ngayon.

"Pag nanalo ako, sasamahan mo ko lumabas." Sabi ko. Alam kong hindi ko to dapat ginagawa. Pero, dahil mahal ko sya at para gumaan yung loob nya sakin gagawin ko. Ayoko man, pero alam kong eto lang talaga ang lubusang mag papsaya sakanya ngayon.


"Ayokong lumabas." Sagot nya. Seryoso syang nakatingin sa screen.


"Ipapaalam kita kina Tito." Sabi ko.


"Hindi ako makikipag date sayo. Magkasala ako kay Kai kapag ginawa ko yun." Ni hindi man lang sya tumingin habang nag sasalita. Parang hindi naman sya papayag. Hays.


"Sige na. Ngayon lang, pag hindi mo nagustuhan. Hindi na kita guguluhin pa." Pag pilit ko.



"Oh baka naman natatakot ka kasi alam mong matatalo kita?" Nakangiti kong sabi. Nakuha ko naman ang atensyon nya. Gotcha! Hahaha.

Hindi naman sya nag salita ng ilang segundo. Tinignan nya lang ako at binalik na sa screen yung mata nya.



"Wag kana maraming sinasabi dyan. Talunin mo muna ako." Seryosong sabi nya.


Napangiti nanaman ako. Mukhang gumagana yung plano ko. Haha. Ang kailangan ko nalang ngayon yung talunin sya. Tsk. Paano naman kaya? Magaling sya oo. Kaya ko lang naman sya natalo kanina dahil bigla nalang syang napapatingin sakin at nakakalimutan yata ang pangalan nya. Chos! Hahaha.

Pero dahil dun napakain ko sya ng tatlong cup ng rice. Kaya kailangan ko ma talaga galingan ngayon para naman maisama ko sya sa labas.


Naka dalawang game na kami. Panalo sya pareho. Hindi na sya nadidistract ngayon. Hindi nya na nga ako tinitignan.


"Wala na. Talo kana." Sabi nya at sa wakas tinignan ako.


"Ang ganda talaga ng mata mo." Nakangiting puri ko ng mapansin ko yung mala pusa nyang mga mata. Nanlaki naman yun at ilang segundong natulala. Hahaha. Ang cute nya!



"Ayoko na. Talo kana man na!" Sabi nya at akmang tatayo na. Hinawakan ko naman sya sa kamay para pigilan.



"Hindi pa ko talo. May natitira pang pag asa." Sabi ko.





Napatingin naman sya sa kamay ko tapos sakin na parang natatarantang kinakabahan na ewan. Haha. Bakit ang cute nya talaga? Kaya naiinlove ako lalo e.


"Bitawan mo ko! Tapusin na natin to!" Sabi nya at naupo na. Hinila nya yung kamay nya at itinuloy na namin yung game.



Lumipas ang kalahating oras, natapos na namin yung game.



"Madaya ka! Madaya ka!" Sigaw nya habang mahinang hinahampas yung braso ko. Hahaha.




"Talo ka na. Hahaha." Nakakatawa yung itsura nya ngayon. Para syang bata.



"Madaya ka kasi! Waaaaah! Rematch! Dinaya mo kasi ako!" Asar nyang sabi na nakapout pa. Hahahaha. Tumayo na ako.



"Paano ba yan? Mag bihis kana at idedate na kita." Sabi ko saka na lumabas ng kwarto nya.


I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon