Chapter 57: Broken

1.2K 26 2
                                    



LALISA's POV


*dingdongdingdong

Sino nanaman ba yan? Ang aga naman mangistorbo. Nag lakad ako papunta sa gate namin. Inisip ko na yung mga bugok siguro.

Masyado naman silang excited e mamaya pang hapon ang flight namin.

Nakalabas na nga rin pala ng hospital si Irene kahapon matapos namin mag meeting. Malakas na nga sya ulit. Ngayon sabay sila ni Jungkook dadating dahil pinasundo ko sya.

Pag bukas ko ng pinto, nanlaki yung mata ko.

"Hi." Isang malungkot na ngiti ang bumungad saakin.

"Joy?" Ngumiti naman sya pero may lungkot sa mata nya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong ko.

"Mangangamusta lang." Sagot nya.

"Tsk! Ate wala ka talagang manners! Umalis ka nga dyan sa gate. Ate Joy pasok ka. Maupo ka dito at ikukuha kita ng maiinom. Wala kasing kwenta si ate!" Pinagalitan ako ng mas bata sakin?? Bago pa sya umalis sinamaan nya ako ng tingin.

"Nakalimutan ko lang!" Depensa ko. Medyo naguilty nga ako sa nangyare. Bakit nga ba sa pinto ko sya kinakausap? Hays. Tanga Lisa!

"Hahaha. Ang cute mo talaga Lis." Napatingin naman ako sakanya.

"Balita ko, nabugbog ka daw nung nakaraan. Siguro yun yong dahilan kung bakit hindi ka na nakapag paramdam." Sabi nya. Hindi ko na nga pala sya nakausap pag tapos ng fieldtrip. Nawala sa isip kong nag aalala pala sya saakin.

"Joy. I'm sorry." sabi ko ng nakayuko.

"Okay lang Lisa." Ngumiti sya. Pero, alam kong nasasaktan sya.


"Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo noon?" Tanong nya.

"Ikaw yung pinadala ni God saakin. Ikaw yung matagal ko ng pinag dadasal na sana saakin ka talaga inilaan." Seryoso nyang sinasabi habang nakatitig sa mata ko.

"I told myself, maybe... maybe it too early for me to hope that you were that blessing. And you stopped going out with me, you stopped communicating with me. Maybe masyadong mabilis ang lahat. Pero kapag naranasan mo na, kapag naramdaman mo na, hindi mabilis, hindi mali. Sabi nga nila, you can't judge a person unless you've experience the things they have been through. Pero, alam ko naman na Lis. Naikwento na sakin lahat ni Jisoo. Wag kang mag alala. Naiintindihan ko kahit masakit." Paliwanag nya.

"Joy." Pag aalala ko.

"I tried! I tried to stop. I tried so hard to forget. Ayoko nang isipin ka pa. Pero, hindi ko kaya. In the deep parts of the night, I still find myself thinking about you. I find myself wishing na sana ako nalang. Ako nalang yung mahal mo. Na sana I could have another chance to get to know you more, to actually be someone worth your time. Hopefully you will find me enough because for me, you are enough. You are my miracle. But I guess that God has other plans. So, here am I. Trying to say goodbye even if I still believing that you are my miracle." Matapos nyang sabihin yun naluha sya. Pero agad nya yung pinunasan.

"Eto na yung juice at meryenda mo ate Jioy. Pasensya na at medyo matagal." Nakangiting sabi ni Rosé nang mailapag nya yung pagkain sa center table. Tumayo naman si Joy pero nakayuko lang sya.

"Hindi na ako magtatagal pa Rosé. Salamat nalang. Lisa, kapag nag kita tayo ulit. Asahan mong mabuting mabuti na ako. Kaya wag mo na akong alalahanin. Isipin mo yung mga taong umaasa sayo, yung binabalak nyo. Ipangako mo saking ililigtas mo yung babaeng mahal mo. Ipangako mo saking ililigtas mo si Jennie. Dahil gusto ko syang maging kaibigan." Sabi nya ng nakangiti. Hindi ako sumagot.



"Mangako ka." Inaantay nya yung sagot ko.

"Pangako." Sagot ko.

"Aasahan ko yan. Sige na. Aalis na ako." Tapos nag lakad na sya palabas ng bahay.

"Ihahatid ko lang sya sa labas ate." Agad na sabi ni Rosé. Hindi ko na kasi nagawang gumalaw matapos kong marinig lahat mg sinabi ni Joy.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Nakaupo na pala sa harapan ko si Rosé at kung hindi nya ako binato ng unan hindi ko alam ang nangyayare sa paligid ko.

"Broken si Ate Joy dahil sayo ate. Ikaw kasi e! Kung di mo pinaasang gusto mo sya edi sana hindi sya nagkaganyan." Sabi nya habang nilalantakan yung sandwich na ginawa nya para sana kay Joy.

"Hindi ko naman alam na mafafall sya agad. Akala ko nakikisakay lang sya sa trip ko. Katulad nung mga babaeng nakaflirt ko noon. Alan nilang hanggang dun lang, alam nilang hindi lang sila at alam ko ding hindi lang ako ang kaflirt nila." Paliwanag ko.

"Iba si Ate Joy." Depensa nya.

"Akala ko ba ayaw mo sakanya?" Tanong ko.

"Eh ano e. Naging friends na kami nung pinapunta mo kami sa Clothing line nya. Ang bait nya e. Sobrang dami pa nyang alam sa fashion. Uwaaaah!" Sabi nya saka niyakap yung unan.

"Pero, syempre team Jenlisa pa rin ako nu!" Pag bawi nya.

"Ewan ko nga sayo. Mag ayos kana kung sasama ka samin." Sabi ko sakanya saka na ako nag tungo sa cr para maligo. Maya maya darating na din yung mga bugok. Para sa plano namin.

Babawiin ko na si Jennie. Lalo na ngayong napatunayan kong hindi ko pala dapat sya ipinaubaya sa lalaking yun. Nag kamali ako. Kaya kapag nabawi ko na sya, hindi ko na hahayaang mapunta pa sya ulit sa iba. Hindi ko na hahayaang saktan pa sya ulit ng iba. Hindi ko na sya ipapaubaya sa kahit na sino dyan maliban sa sarili ko. Gagawin ko yung best ko para ako na ang mapansin nya, para mahalin nya na ako.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now