Chapter 71: Pag paparaya

1.5K 37 1
                                    



JENNIE's POV


"Okay na ba kayo ni Lisa?" Tanong ni Kai. Nandito kasi ako sa presinto ngayon. Binisita ko sya. Medyo matagal na rin yung huling pag dalaw ko sakanya.

"Hindi. Matagal na kaming hindi nag uusap. Matagal ko na syang iniiwasan." Paliwanag ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Kase ayoko. Kase hindi ko sya gusto. Kase hindi dapat." Sagot ko. Ngumisi naman sya.

"Sige balewalain mo lang sya. Mapapagod din yan. At kapag napagod na sya, mamimiss mo sya pero wala na syang pake sayo." Sabi nya.

"Kai ano bang pinag sasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

"Alam kong nakakaalala kana." Panimula nya.

PAAANONG ???

"At kaya ka nandito ngayon kasi sinabi ko sayong kapag nakaalala kana, balikan mo ako dito kahit isang beses lang. Alam kong eto na yung huling beses na pupuntahan mo ako dito. Matagal na ulit tayong mag kikita. Kaya, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko." Sabi nya. Nakangiti sya pero alam kong may lungkot syang nararamdaman.

"Rj, tatanungin ulit kita. Bakit mo sya iniiwasan?" Tanong nya.


"Kai. Ayoko na." Sagot ko na nag pipigil ng iyak.


"Ayoko na maramdaman pa ulit ang magmahal.. Pag katapos ano? Masasaktan lang ako ulit. Iiwanan lang ako ulit? Na hindi ko man lang lubos na naintindihan kung anong nagawa ko kaya mo ko iniwan? Masakit Kai. Dalawang beses mo kong sinaktan. Ayoko na ipagkatiwala ulit yung puso ko sa kahit na sino. Ayoko na bumuo ulit ng tiwala na sisirain lang din naman kapag pinag sawaan na. Ayoko na maramdaman pa ulit yung sakit na naramdaman ko noon. Tama na yung dalawang beses." Pag babalik ko sa nakaraan. Sa sakit na naramdaman ko noon.

"Subukan mo lang." Sabi nya.

"Ayoko nang subukan Kai. Mauulit lang yung nangyare noon." Malungkot kong sabi. Natatakot ako talaga. Natatakot akong masaktan lang ulit.

Lumapit naman sya saakin at hinawakan yung dalawa kong kamay.

"Rj, makinig ka sakin." Sabi nya habang nakatitig sa mata ko.

"Sorry." Pagkasabi nya nyan pumikit sya at yumuko.

"Rj, sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko noon. Sorry sa pagpapahirap ko sayo. Sorry kung hanggang ngayon pinipigilan mo yung sarili mong maging masaya dahil sa nangyare satin noon. Pero, hindi ibig sabihin na mauulit din sainyo yung nangyare satin. Hindi ako si Lisa. At hindi sya si Kai. Hindi kami magkapareho. Hindi ko kayang gawin yung ginawa nyang pagsasakripisyo maging masaya ka lang. Hindi ko kayang unahin ang ibang tao kapalit ang buhay ko. Rj, iba sya. Matagal ko ng alam yun, kaya umabot sa puntong mapapatay ko na sya sa galit kasi inggit na inggit ako sakanya. Rj, kung may gusto akong tao na mag iingat sayo. Gusto kong si Lisa yun. Kampante ako kung sakaling si Lisa ang mag aalaga sayo. Sya yung makakasama mo sa araw araw. Kaya sana Rj, patawarin mo na ako at palayain mo na ang sarili mo. Subukan mong mag mahal ulit. Mag tiwala ulit. Alam kong nahihirapan ka ng pigilan ang totoong nararamdaman mo. At sa ginagawa mong yan, hindi lang naman ikaw ang nasasaktan." Mahabang paliwanag nya. Naiiyak ako sa pinag sasabi nya.

Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko.

Sa mga sinasabi ni Kai ngayon. Malabong hindi talaga ako maging emosyonal. It's about my past, present and future. It's about him, me and Lisa.

"Umiiyak ka. Kasi nasaktan ka. Kasi pinipigilan mo. Naisip mo ba na kapag hindi mo pinigilan yang nararamdaman mo, sasaya ka?" Tanong nya.

"Pero, maraming hindi sangayon. Maraming tao ang hindi nakakaintindi." Pag sagot ko. Naalala ko si Mama at si bestie na inuuna ko kesa yung nararamdaman ko.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu