Chapter 66: Namimiss ko sya

1.1K 27 1
                                    




JENNIE's POV

Nagising nanaman ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Hays. Ganto nalang ba araw araw?

Nag unat ako.

At pag upo ko, nilingon ko agad yung lamesa sa gilid ng kama ko. Wala akong natagpuan dun kundi phone ko lang at yung alarm clock sa tabi.

"Bakit walang pagkain?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ba sya nag akyat? Baka late lang. Ayoko munang bumangon. Iintayin ko nalang sya.

"Wala kang iintayin." Rinig kong sabi ng isang babae. Parang nabuhayan naman ako at lumingon agad sa sofa kung saan lagi syang nakaupo pag nandito sya sa kwarto ko. Pero walang tao doon.

"Nandito ako sa pinto." Sabi nya saka nag lakad papasok.

"Mukhang tama nga sila ah. Nasanay kanang may nag dadala sayo ng breakfast tuwing umaga." Tsaka umupo sa sofa.

"Lumayas ka nga dyan!" Pag susungit ko sakanya.

"Inagaw kana nga nya sakin. Pati ba naman sofa pag aari nya?" Pang aasar nya.

"Mag tigil ka nga Chahee! Saka ano bang pinag sasabi mo?!" Naguguluhan kong tanong.

"Nakwento na nya sakin lahat. Nag kausap kami kanikanina lang. Sabi nya, bantayan daw kita. Baka daw mag pakamatay ka e. Hahaha! Syempre joke lang. Ang sabi nya lang, siguraduhin kong bababa ka ngayon para kumain." Nakangiting sabi nya. So kinuntsaba nya na rin pala tong kaibigan ko na to sa kalokohan nya.

Gusto ko sanang tanungin kung bakit hindi sya nag akyat ng pagkain? Pero baka asarin lang ako netong mokong na to e.

"Tara na. Inaatay na nila tayo." Sabi nya at naglakad na palabas.

Sumunod naman ako sakanya. At may konte sa loob kong umaasa na nandyan pa rin sya.

"Goodmorning anak. Kain na kayo." Bati ni Mama.

"Asan sya?" Medyo mahina kong sabi. Wala naman kasi akong makitang kahit anong bakas nya dito sa bahay.

"Hinahanap nya." Pang aasar ni Chahee.

"Mag tigil ka nga. Si Papa, si John saka si Lola ang hinahanap ko." Palusot ko. Narinig pala nya. Hays.

"Sus. SYA lang sinabi mo e. Palusot ka pa." Sabi nya na may nakakalokong ngiti at naupo na sa dining.

Hindi na lang ako nag salita kasi baka ano pang masabi ko.

Maya maya dumating na si lola.

"Oh, buti naman bumaba kana apo." Sabi ni lola.

"May hinahanap po kasi yan." Sabat netong katabi ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Oh nasan pala si James?" Tanong ni lola.

"Nasa taas pa yata Ma. May hahanapin daw sya e." Sagot ni Mama.

"Itanong mo na kasi. Wag mo na pigilan." Bulong naman sakin nung mokong.

"Ts. Manahimik ka." Sabi ko sakanya.

Bumaba na din naman si Papa.

"Tara kain na tayo." Sabi ni Mama.

"Oh, di pa pala kayo kumakain. Inantay nyo pa talaga ako." Sabi ni Papa saka naupo na din sa tabi ni Mama.

"Actually tito, may inaantay talaga si Rj." Sabat nanaman nung mokong kong kaibigan. Siniko ko naman sya agad.

"Oh sinong inaantay mo?" Tanong ni Mama.

"Ahm.. si ano.. ah.." Takte talaga tong Chahee na to e. Napansin ko naman na kulang nga kami.

"Si John? Nasan si John?" Tanong ko. Haaays! Buti nalang naalala ko yung kapatid ko.

"Ah, kaaalis lang pag baba nyo mag lalaro daw sila kasama nya si Li--" Naputol yung sinasabi ni Mama ng magsalita si Papa.

"Hayaan mo na yun. Kumain na tayo gutom na ako." Sabi nya. At nag katinginan sila ni Mama.

Kasama ni John si Ms. Stranger? Sya siguro yung tinutukoy ni Mama. Hays. Sana mas maaga akong bumaba para naabutan ko sya. Para kahit papaano nakita ko sya bago umalis.

"Kain kana." Sabi ni Chahee saka nag lagay sa plato ko ng fried rice.

Naexcite naman ako. Kasi yun yong lagi nyang niluluto sakin pag umaga. May scrambled eggs din saka may kape. Napangiti ako.

"Tama nga si Lisa. Ngingiti sya kapag yan ang niluto mo." Rinig kong sabi ni Papa pero mahina lang. Mukhang bulungan nila ni Mama. Bakit nga ba hindi ko napigilang ngumiti. Baliw na ba ako?

Sumubo naman ako. Ninamnam yung kinakain ko. Pero bakit parang may iba?

Ininom ko yung kape.

Parang walang espesyal sa umaga ko. Bakit nung mga nakaraang araw pakiramdam ko pag kumakain ako espesyal ako. Bakit ngayon hindi ganun? Masarap naman pero may pakiramdam lang na naiba.

Natapos akong kumain at nag paalam na aakyat na ako.

Pag akyat ko, naupo ako sa kama. Tahimik ang paligid. Walang makulit, wala akong sinusungitan, walang nakikipag usap sakin. Wala akong breakfast in bed, wala yung kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko kapag nandyan sya. Haaaaays!

Bakit parang ang lungkot naman ng umaga ko? Umaga pa lang yan, ang drama ko na. Paano pa kaya hanggang gabi? Isang araw, isang linggo? Isang buwan o isang taon?

Masasanay din ako. Siguro ganun lang talaga sa una. Nakasanayan ko kasi. Pero mawawala din to.

"Tara, puntahan natin si John." Nagulat naman ako sa nag salita. Sa sofa talaga ako unang napatingin.

"Sanay na sanay kana talaga ah? Akala mo nanaman ako sya. Sakit ha! Hahaha. Pero, tara. Gusto mo syang makita di ba?" Tanong nya na nasa pintuan pala ng kwarto.

"Ayoko. Ikaw nalang mag isa!" Sabi ko.

.

.

"Ang tagal mo." Sabi ko sakanya. Nandito kasi kami ngayon sa court. Oo tama. Pinuntahan nga namin si John. Haaays! Boset kasi tong babaeng to e. Pinilit pilit ako.

"Pag nakita mo sya. Anong gagawin mo?" Tanong nya.

"Wala. Ayoko syang makita." Sagot ko. Nang makarating kami sa court. Si John at ibang kaibigan nya lang ang nakita ko. Nasan sya? Bakit wala sya?

Akala ko ba kasama sya ng kapatid ko.

"Aayaw ayaw pero hinahanap! Abnormal talaga kayong mga purong babae e no! Ay half kana din pala kasi gusto mo sya." Kunot noo nyang sabi.

"Hindi ko sya hinahanap!" Inis na sabi ko.

Bakit nga ba kasi hinahanap ko sya?! Nakakainis naman. Bakit nga ba? Ay ewan ko! Naguguluhan ako. Tsk.

.

.

Lumipas ang ilang araw na parang ang boring ng buhay ko. Pag gising kakain, babalik sa kwarto, matutulog, tapos dadalaw kay Kai. Pero, hindi na ganun kadalas. Tapos uuwi agad. Dati pag tapos nun, gagala pa kami, kakain kung saan bago umuwi. Pero ngayon, wala nang ganun.

Ilang araw na lang uuwi na daw si bestie, kasama yung mga kaibigan ni Ms. Stranger. Kasi daw mag papasukan na ulit. Ikekwento nya nalang daw sakin pag uwi nya kung paanong nag aaral na kami sa CJU at kung paano namin nakilala yung buong barkada ni Ms. Stranger.

Siguro naman pag balik ng pasok, makikita ko na sya.

Kasi, alam ko sa sarili kong kapag sinabi kong hindi ko sya namimiss. Lolokohin ko lang yung sarili ko e.

Oo na aaminin ko na sa sarili ko.

Miss ko na sya. Yung mga araw na lagi syang nadyan para sabayan ako sa mga trip ko. Namimiss ko. Yung pag luluto nya at pag dala nya ng breakfast sakin, namimiss ko. Yung pakikipag usap nya sakin kahit sinusungitan ko sya, namimiss ko.

Namimiss ko sya. Namimiss ko si Ms. Stranger.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now