Chapter 36: Before the Party

1.3K 23 0
                                    




ROSÉANNE's POV

"Rosé, oh! Pakalat kalat nanaman kung saan saan!" Abot ni Ate Lisa sakin ng notebook ko. Naiwan ko nanaman pala sa living room kanina nung nag rerewrite ako ng notes habang nanunuod.

Pumasok agad ako sa kwarto ko. Tapos binuklat sa pinakalikod saka tinignan kung nagalaw ba yung parte na yun, at sa kabuting palad mukhang hindi naman.

Binuksan ko yun at kinuha yung nakatagong litrato. Kung saan, mukha ni Bamie yung nakikita ko.

Napangiti naman ako bigla.


Yung sobrang crush na crush ko e kaibigan pala ng ate ko. Pero, natatakot Akong sabihin sakanya. Kapag naaalala ko nga yung nangyare nung outing namin e.

(A/N: Chapter26: Track&Field Outing)

Galit na galit sya nung nakita si Bamie na nakaback hug sakin. Paano pa kaya pag nalaman nya na crush ko si Bamie? Edi naging monster nanaman yun.

Hays! Bakit ba kasi parang tutol sya? Eh dahil ba sa mas matanda si Bamie sakin? Aysh!

Ewan!

Bahala nga muna sila dyan.

Basta ang mahalaga ngayon, bakaaasyoon naaaaa! Yiiieehah!


Malapit na din yung birthday ni Ate. Sigurado akong magpaparty party nanaman kami. At yun ang pinaka masaya sa lahat! Hahaha. Ang dami nanamang foods nun. Buti na lang Hindi ako tabain. Kahit gano kadaming kainin ko, Hindi ako tumataba.

"Rosé!"

*toktoktok

"Pasok." Sigaw ko. Tapos pag bukas ng pinto, si Kuya GD ang nakita ko.

"Bakit Kuya?" Tanong ko.

"Tawag ka ni Papa." Sabi nya.

Tumayo naman ako.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Ewan. Nasa work room sya. Puntahan mo na lang." Sabi nya saka na umalis. Ang boring talaga neto ni Kuya GD Kahit kailan.
Makapunta na nga kay Papa.


May nagawa ba akong kalokohan? Parang Wala naman akong maalala?

*toktoktok

Katok ko ng makarating ako sa pinto ng work room ni Papa.

"Bukas yan." Rinig kong Sabi ni Papa.

Pumasok naman ako. Nakita ko syang nakaupo dun sa napakaganda nyang upuan habang Nag lalaptop.

Lumapit naman ako at umupo sa katapat nyang upuan.

"Bakit nyo pala ako pinatawag?" Tanong ko. Ang seryoso kase ng mukha nya na nakatitig sa laptop na nasa harapan nya.

"May mahalagang bagay tayong pag uusapan." Seryosong Sabi nya na Hindi ako tinitignan.

Nakakakaba naman yung pagkasabi ni Papa nun. Hays.

"Ano po ba yun Papa? May nagawa ba ako? Papagalitan nyo ba ako? Wala naman akong bagsak na subject. Di ko naman inaway si Kuya o si Ate. Wala naman akong boyfriend, crush lang ang meron. Nag papakabait naman ako eeeeh. Wala naman akong ina--" Natigil ako sa pag sasalita nang pinigilan ako ni Papa.

"Roseanne. Tama na. Hindi naman kita papagalitan e. Wag kang O.A. dyan. Pinapunta kita dito kasi kailangan ko ng tulong mo." Sabi ni Papa.

"Huh? Anong tulong?" Tanong ko.

"Para sa nalalapit na kaarawan ng Ate Lisa mo." Nakangiti nyang sagot.

Napangiti naman ako dun. Sabi na eh! Hindi talaga pwedeng walang party. Yeeeeey!

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ