CHAPTER 16: Jennie Ruby Jane Kim

1.9K 31 2
                                    



JENNIE's POV



Nandito kami ngayon ni bestie sa school. Ilang araw na din ang nakakalipas matapos ang nangyare sa plaza nung nakaraan.


Pag tapos din nun hindi pa kami nag kita ni Lisa. Ang balita ko nag kasakit daw sya, dahil sa sobrang late na daw sya umuwi ng gabing yun.


Pero, paano nga ba kami nakaalis sa sitwasyong iyon?

FLASHBACK

"I hope you like me as I am." Narinig kong bulong nya pag tapos kumanta nung banda.

Nakatitig lang ako sakanya. Hindi ko alam kung paano mag rereact sa mga nangyayare.

Tinitigan nya lang ulit ako. Parang walanakong ibang taong nakikita kundi sya lang. Nakatitig din ako sa mga mata nya.

Nang biglang..

"Bestie! Lisa? Anong ginagawa mo dito?" Sabay na akbay nya saming dalawa.

Agad ko naman tinanggal yung pagkakahawak ni Lisa sa kamay ko.

Hindi naman siguro napansin yun ni bestie.

"Ahh, May iniutos lang yung Papa ko. Tapos nakakita ako ng gantong klase ng lugar dito." Paliwanag ni Lisa.

"Ah. Gusto mo kumain na muna tayo dito Lis?" Tanong ni bestie.

"Sige okay lang."

Tapos yun, naghanap kami ng makakainan namin. Nag dadaldal si bestie, kami ni Lisa awkward sa isa't isa.

"Oh, Bakit di mo sinama si Rosé o kaya si Jisoo?" Tanong ni bestie.

"Hindi naman mahilig sa ganto si Rosé. Si Jisoo naman, hindi ko kase alam na may ganto pala dito." Sabi nya habang kumakain.

"Ganun ba? Sige, next time isama mo si Jisoo dito ah. Close na din kasi kami eh. Hihi." Nakangiting sabi ni Bestie.

"Oo. Sige. Himala yata, hindi ka nag susungit ngayon?" Tanong ni Lisa.

"Paliwanag mo nga bes." Utos sakin ni bestie habang kumakain ng bbq.

"Uh.. uhm. Hindi naman talaga kami masungit pag nasa ibang lugar. Sa-sa school lang." Medyo nauutal kong sabi. Tsk. Eh kase naman kase. Haaays!


"Ah, mabuti naman kung ganun." Sagot nya. Alam kong medyo naiilang talaga sya.

"Tara sainyo Bes. Pakilala natin sya kay tita." Nakangiting aya ni bestie.

"H-Ha?!" Nautal kong tanong. Ano bang balak netong bespren ko!?

"Tara na." Sabi nya saka kami hinila ni Lisa.


Nang makarating kami sa bahay.

"Hello po tita." Masiglang bati ni bestie kay mama.

"Hi Irene. Oh, May kasama pala kayo." Sabi ni mama.

"Ah tita. Classmate po namin. Si Lisa." Pakilala ni bestie. Kinakabahan ako sakanya. Hays.

"Hello po, tita." Bati ni Lisa.

"Maupo na muna kayo. Jen, asikasuhin mo yung bisita mo." Sabi ni mama, saka nag ayos sa kusina.

"Manuod muna tayo." Aya ni bestie.

Binuksan nya yung laptop tapos ikinonek sa tv. Habang pumipili sya ng movie..


Bumaba naman galing sa 2nd floor yung kapatid ko.


I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now