Chapter 69: First Picture

1.3K 32 3
                                    




LALISA's POV


"Tara na! Malelate tayo!" Sigaw ng best friend ko na nasa labas ng kwarto ko.


"Teka lang." Nandito kasi ako kwarto. Inaayos yung nag kalat ko na gamit. Badtrip kasi si Rosé, may nawawala daw syang gamit at ako ang pinag bintangan. Ako daw ang kumuha. Haaays.


"Lalisa! Late na tayo neto e." Sabi ni Chichu na nakapasok na sa kwarto ko.


"Oo na. Tara na." Sabi ko at sinukbit na yung bag ko sa balikat ko. Nag lakad na kami papuntang kotse.

"Kamusta na si Jennie?" Tanong nya nung nasa kotse na kami

"Okay naman na daw sabi ni Irene." Sagot ko. Nakalabas kasi agad si Jennie nang dinala namin sya sa hospital kahapon. Wala naman daw masamang nangyare sakanya sabi nung doctor. Baka sa sobrang pagod lamg daw yung pananakit ng ulo nya.


Badtrip kasi hindi ko man lang sya naiilag dun sa bolang tumama sa ulo nya sa bilis ng pangyayare.

Nang makarating kami ni Chichu sa tapat ng room ko, labasan pa lang nila Jennie. Nakatingin ako sakanya at nang mapatingin sya sakin, ngingitian ko dapat sya. Pero, umiwas sya ng tingin.

Nagtaka naman ako kung bakit. Hindi nya kaya ako nakita?

"Uy. Sila Jennie oh." Sabi sakin ng best friend ko.

"Jisoo, Lisa. Papasok na kayo?" Tanong ni Irene. Si Jennie parang hindi komportable. Parang may iba sakanya ngayon. Ay hindi, parang sya na talaga si Jennie.

"Oo e. Kayo? Gagala pa?" Tanong ni Chichu.

"Hmm, hindi ko pa alam e." Nakangiting sabi ni Irene. Si Jennie naman nag iiwas ng tingin samin.

"Jennie, okay ka lang?" Tanong ko. Naguguluhan na kasi talaga ako.

"Huh? O-oo. Ayus na." Nauutal na sabi nya. Hindi nya nanaman ako matignan sa mata. Ano nanaman ba to?!

"Bestie. Tara na." Aya nya kay Irene.

"Sige. Next time nalang kwentuhan tayo." Paalam ni Irene.

"Anyare?" Naguluhan ding tanong ni Chihu. Pati pala sya napansin yung pag kakaiba ni Jennie ngayon at kahapon.

"Kala ko ba friends na kayo?" Tanong nya ulit.

"Akala ko din e. Pumasok na nga muna tayo." Sabi ko at pumunta na rin sya sa room nya.

Lumipas ang mga oras na wala akong naintindihan sa mga tinuturo ng mga prof namin kakaisip kung ano ba talaga nangyare. Buong araw ata akong nag isip kung bakit ganun nanaman sya sakin.

.

.

JENNIE's POV

"Bestie, tara sa rooftop." Aya sakin ni Bestie.

"Huh? Bakit?" Tanong ko.

"May iintayin lang tayo." Nakangiting sabi nya. Naglakad naman na kami papuntang rooftop.

"Sino?" Tanong ko.

"Basta mamaya makikita mo din." Sabi nya. Hindi ko naman na sya kinulit tungkol dun. Baka kung sino lang.

"So, kwento ko na sayo kung bakit dito tayo nag aaral at kung bakit naging kaibigan natin sina Lisa." Panimula ni bestie.

"Ganito kasi yun--" Naputol naman yung sasabihin nya ng may nag salita.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now