Chapter 54: Traitor

1.1K 24 0
                                    




THIRD PERSON's POV

"Isang napakaboring na araw nanaman ang dadaan." Walang ganang sabi ni Lisa habang nag iinat ng katawan.

"Bakit kasi hindi na lang tayo sumama kina Kuya Jin e." Sabi naman ni Rosé na nakaupo sa tabi ng kapatid nya. Nasa couch kasi silang dalawa. Nakatunganga sa harapan ng tv. Hindi kasi sila papasok ngayon dahil ang usapan nila ni Jin papasok sya kasama si Jisoo. At dahil ayaw ni Lisa na magkita sila, minabuti na lang nyang huwag ng pumasok.

"Alam mo namang hindi pwede." Sabi nya sa bunso nyang kapatid.

"Hays. Pride mo kasi!" Asar ni Rosé.

"Samahan mo nalang ako sa mall mamaya. Mag grocery tayo." Sabi nya. Tumango nalang si Rosé.

Ilang oras pa ang lumipas, nag tungo na sila sa mall para mag grocery. Nang nasa parking lot na sila, nag ring yung phone ni Lisa.

"Ate, saglit lang. May naiwan ako sa kotse." Sabi ni Rosé at dali daling bumalik sa kotse.

"Bro, nasan ka?" Tanong ng kausap ni Lisa sa kabilang linya.

"Mall." Tipid nyang sagot habang sinisilip si Rosé sa loob ng kotse. Walang ibang tao sa parking lot maliban sa kanilang dalawa. Yun ang akala nya.

"Bro, takeout mo kami ng foods. Haha." Sabi sa kabilang linya.

"Ikaw ang bumi--hmp! hmp!" Hindi natapos ni Lisa ang sasabihin ng biglang may nag takip ng panyo sa bibig nya.

Nalingon naman si Rosé sakanya at gulat na gulat ito sa nakita nya. Dalawang lalaki ang tumangay sa ate nya na ngayo'y walang malay na dahil sa pinaamoy sakanya. Pero, bago makaalis yung kotse nagawa pang picture-an ni Rosé ang likod ng kotse na kita yung plate number.

Dahil sa takot, hindi nya na alam ang gagawin nya. Lumabas sya agad at kumaripas ng takbo. Nang makarating sya sa sakayan, dun nya naisipan ang dapat nyang gawin.

Nang ibaba sya sa lugar na sinabi nya sa driver. Agad nyang tinungo ang isang bahay.

"Tao po! Tao po! Ate Irene! Ate Irene!" Natataranta nyang tawag sa labas ng gate nila Irene. Mabuti na lang at nandun si Irene at agad nya itong pinagbuksan.

"Oh Rosé?! Anong nangyare sayo?!" Nag aalala nyang tanong.

"Ate Irene.. si ate... Si Ate Lisa!" Hindi nya na napigilang umiyak. Agad naman syang niyakap ni Irene. Pinakalma muna sya.

Nang makabawi na si Rosé nag salita na ito.

"Ate, kinidnap si ate Lisa." Naiiyak nanaman nyang sabi.

"Ate Irene hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala si Ate Jisoo, Kuya Jin at Bamie kaya kayo nalang ni Ate Jennie ang pinuntahan ko." Dagdag pa ni Rosé.

"Kidnap?! Sino namang kikidnap kay Lisa?" Naguguluhang tanong ni Irene.

"Hindi ko alam ate. Asan pala si Ate Jennie?" Tanong nya.

"Busy sya ngayon e. Mag babakasyon muna sa ibang bansa." Sagot ni Irene.

"Hindi nya ba tayo matutulungan?" Tanong ni Rosé.

"Hindi ko alam. Pero, mabuti pa tumawag kana sa mga pulis para matulungan nila tayo." Utos ni Irene.

"Ay oo nga ate. May picture din ako ng sasakyan at plate number ng dalawang lalaking kumidnap kay Ate." Sabi ni Rosé na nilalabas yung phone nya sa bag.

"Pwede ko bang makita?" Tanong ni Irene na ngayon ay nag dududa na.

Agad namang pinakita ni Rosé yung picture ng itim na van na kita yung plate number. Nanlaki yung mata ni Irene sa nakita nya.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now