Chapter 50: I miss you too

1.2K 29 4
                                    



LALISA's POV

"Iuwi mo nga muna yan. Nasa labas na yung driver ni papa inaantay kayo. May pupuntahan lang ako." Utos ko at umalis na lang ako bigla.

Gusto ko kasing masiguradong makauwi ng safe si Jennie. Dumiretso ako kung saan ko pinark yung kotse ko, malapit sa sakayan nila. Hindi nila ako napansin, kaya nasundan ko yung sinakyan nila.

Mabuti nalang at hindi naging matraffic at nakauwi sila bago pa mag 9pm.


Pinagmasdan ko naman mula sa di kalayuan yung bahay nila Jennie. Namiss ko yung lugar nila. Yung makasama sila lalo na sya.

Nag stay na muna ako doon sa malapit na tindahan, bumili ako ng maiinom para hindi ako paalisin. May ilan ilan ding bumibili at tumatambay.



Habang nakatingin sa bahay nila, inaalala ko yung mga pangyayareng naganap nung araw na pinapasok nya ko sa buhay nya, sa bahay nila.



Ilang minuto pa ang lumipas, bumukas yung ilaw sa gate nila. At nakita ko syang lumabas, may hawak na phone. May kausap yata. Hindi nya naman ako mapapasin dito, madami naman na kasing nakatambay.


Pero, unti unti na syang lumalayo sakanila. Saan naman sya pupunta?

Hindi na ko nag paligoy ligoy pa, sinundan ko na sya. Gabi na para mag lakad sya sa dilim ngayong mag isa lang sya.


Dahil sa madilim at busy sya sa kausap nya sa phone hindi nya na ako napansin na kasunod nya lang. Medyo malayo layo naman ng konte. Pero, saktong nababantayan ko sya.




"Nasan kana ba kasi... nako! Yeji ha. Pagod na ko. Wag kana mantrip. San ba banda?" Yan yung mga huling salita na narinig ko sakanya ng biglang may umakbay sakin at humarang sa harapan ko.

Pinipilit kong sundan ng tingin si Jennie. Pero, palayo na sya ng palayo. Mukhang hindi ako papaalisin ng dalawang to.

"Pare, kung ano man yang masamang balak mo sa kaibigan namin. Tigil tigilan mo na." Maangas Pero nakangiting sabi sakin ng lalaking nakaakbay sakin.




"Wala akong masamang balak. Tumabi na kayo, aalis na ko." Kalmado kong Sagot.




"Itatanggi mo pa e. Kitang kita namin na inaabangan mo talagang lumabas sya ng bahay para sundan. Kanina ka pa namin pinag mamasdan." Sabi nung nakaharang sa harapan ko. Lalaki ba to o babae? Nakahood kasi sya kaya hindi ko sigurado.


"Sino ba kayo ha?!" Sabi ko. Naiinis na ko. Baka napaano na si Jennie.




"Tropa kami ni Rj. Yung sinusundan mo! Kung ayaw mong masaktan umuwi kana." Sabi nung nasa tabi ko.



"Payo lang. Kapag tinuloy mo pa yan, Baka hindi kana makauwi ng buhay." Pananakot nung isa. Easy lang naman sila sa pag sasalita.


"Classmate ako ni Jennie. Wala akong masamang intensyon. Gusto ko lang masiguradong ligtas sya!" Sabi ko. Nang may lumapit na babae sakanila.



"Yeji?! Di ba pinuntahan ka ni Rj?" Tanong nung nasa harapan ko.



"Hahaha! Oo nga, kasama ko sila." Sagot nung Yeji daw sa kausap nya sa phone nya.



Eto yata yung kausap ni Jennie kanina pa. Eh nasaan na sya?!

"Hoy nasaan kayo?!" Rinig ko sa phone nung Yeji. Naka loud speaker na kasi.


"Nandito malapit kina Chahee. Ikaw nasan ka ba?" Sabi nung nasa tabi ko.

"Tsk! Nandito malapit kina J-- kyyaaaaaaah!" Isang sigaw na nakapag paalerto ng buong katauhan ko.


I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon