Chapter 62: Breakfast in bed

1.2K 22 2
                                    




JENNIE's POV

Nag papahinga ako sa kama ko dahil kakatapos ko lang umiyak. Napanaginipan ko nanaman kasi yung taong walang mukha. Pero, may mukha na sya ngayon. At ang nakapag tataka, bakit yung babaeng yun pa? Bakit sya pa yung aalis at iiwan ako tapos iiyak ako ng iiyak kahit na magising ako. Sino ba kasi talaga sya? Bakit nya ginugulo ang utak ko? At bakit kasi ako apektado?? Eh hindi ko naman sya kilala. Wala akong matandaang nag mahal ako ng babaeng kagaya nya. Hays!

Pero sa panaginip ko ngayon, may iba. Sinabi nya saking sumusuko na sya. Na ayaw nya nang mahalin ako. Na hindi raw ako karapat dapat na mahalin. Pinipigilan ko sya kasi mahal ko daw sya. At ramdam na ramdam kong mahal ko sya. Pero, hindi nya na daw ako mahal. Kaya umiyak ako ng umiyak. At kahit nung nagising ako, iyak pa rin ako ng iyak kasi masakit sa puso ko. Pero, hindi ko alam kung bakit ko iniiyakan yun kasi sa realidad hindi ko naman talaga sya mahal.

Narinig ko naman yung pag bukas ng pinto. Tinignan ko kung sino ang nandun. Gulat na gulat ako nang makita nanaman ang pagmumukha ng babaeng yun.

"Nag pakita kana naman sakin! Bakit ba ayaw mo kong tantanan?!" Sigaw ko sakanya.

Naupo naman sya sa sofa malapit sa kama ko.

"Mangangamusta." Sabi nya. Ano kayang binabalak ng babaeng to?

"Hindi ako okay! Ayus na?" Pag susungit ko. Tsk. Bakit ngayon pa kung kelan pinaiyak mo ko sa panaginip ko?!

"Ayus na." Sagot nyang nakatingin sakin. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ineexpect ko kasing makikipag talo sya pero mali ako.

"Edi lumabas kana!" Sigaw ko nang makabawi ako sa pagkagulat ko.

"Ayoko nga." Sagot nya at umupong kumportableng kumportable sa sofa. Baliw ang isang to! Sigurado ako dun. Haaays. Kelan kaya ako titigilan ng babaeng to?? Nakakainis na ha.

"Bwiset!" Sabi ko nalang saka nahiga ng maayos.

"Jennie, hindi ka pa daw kumakain." Sabi nya.

"Pakialam mo ba?" Pag susungit ko.

"Kumain kana." Sabi nya.

"Ayoko." Sagot ko.

"Kakain ka." Pag pilit nya.

"Ayaw." Pag mamatigas ko. Tumayo naman sya at nag lakad palabas.

Mga ilang minuto, bumalik sya. May dalang pagkain at Inilapag yun sa lamesa sa gilid ng kama ko.

"Kumain kana." Sabi nyang nakangiti.

"Hindi ka rin makulit e nu?! Sabi kong hindi nga ako kakain! Lumabas kana!" Sigaw ko sakanya. Ayoko ng ginagawa nya. Naiinis ako. Masyado nya akong inaasikaso. Ayoko ng ganito!

"Hindi ako lalabas dito hanggat hindi ka kumain." Sabi nya at naupo na ulit sa sofa.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko saka nahiga ng patalikod sakanya.

Inantay kong lumabas sya pero wala akong naririnig na pag lakad at pag bukas ng pinto, nakatalikod lang ako sakanya. Nakikiramdam. Hanggang sa halos dalawang oras na akong nag aantay na umalis sya. Hindi ako nakatulog kasi hindi ako nakakaramdam ng antok.

Narinig ko yung pag bukas ng pinto at may nag lakad papasok.

"Lisa. Sige na, mag pahinga kana. Mukhang hindi nya nanaman ginalaw ang pagkain nya." Malungkot na sabi ni Papa. Ramdam na ramdam kong yung pag aalala nya.

"Sige po." Sagot nya at lumabas na yata sila. Bakit parang anlaki ng tiwala ni Papa sa babaeng yun?

Nagulat naman ako ng may maramdamang naupo sa gilid ng kama ko.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now