Chapter 78: Rubik's Cube

1.4K 29 2
                                    



LALISA's POV

Asan na ba si Jisoo? Akala ko ba dito nalang kami mag kikita sa tapat ng room ko. Naramdaman ko naman yung pag vibrate ng phone ko na hawak ko ngayon. May message galing sakanya kaya agad kong binasa yun.

Lisa, dito pa ako sa taas may inaantay pa kasi ako. Dito din pala sina Jin at Bam. Kung gusto mo una kana.

Tsk. Kaasar naman to e. Nag lakad ako paakyat para puntahan nalang sya total nandun din naman sina Jin. Ayoko din umuwi mag isa.

"Oh, bakit umakyat kapa?" Tanong ni Jisoo ng makasalubong ko sila.

"Pupuntahan kayo." Kunot noong sagot ko.

"Ah, dumating na yung inaantay ko. Kaya tara na." Sabi nya pa at nag lakad na kami pababa.

Naunang nag lalakad sina Bam at Jin. May pinag uusapan kasi sila, hindi ko masyadong narinig. Busy sila di narin ako napansin.

"Anong pinag uusapan nun?" Tanong ko sa best friend ko.

"Ah, babae." Sagot nya at diretso lang sa pag lalakad.


"Ah? Kaya pala ganyan mukha mo." Pang aasar ko. Tinignan nya lang ako ng masama at nag lakad na rin kami, medyo mabilis yung lakad nila Jin kaya medyo naiiwan kami. Nasa hagdan na kami nun ng lagpasan nila yung dalawang babaeng nag lalakad din pababa. At nang malapit na kami ni Jisoo saka pa nag sink in sa utak kong si Jennie at Irene yun. Kaya bumagal yung lakad ko. Hindi ko alam kung bakit natataranta akong nakita ko sya e nung nakaraan lang kasama ko sya.

Nakita kong hindi napansin ni Jisoo at mag kakasabay na sana sila, bigla ko nalang syang nahila.


"Ano ba Lisa?!" Gulat nyang tanong.

"S-si Jennie at Irene yan." Bulong ko habang tinuturo ko yung dalawa. Hindi naman sya makapaniwala. Kasi kahit okay kami sa labas ng CJU pero pag dating sa campus hindi pa din kami nag papansinan. Tapos nag lakad na. Nasa unahan pa din nila Jennie sina Jin.

"Sandali lang!" NAgulat ako nung sumigaw si Jisoo kaya nahila ko sya paatras lalo na nung tumingin sina Jennie samin. Yung pakiramdam ko nun gusto ko nalang lamunin ng semento. Kabang kaba ako na hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko. Parang akala mo nag tatago sa crush nya kasi nalaman nya na crush ko sya. Ganun yung pakiramdam ko.


Pero nung pag tingin ko sakanya, tinignan nya si Jisoo. Ngumiti sya at kumaway. Pero ng mapatingin ako kay Irene, ang sama ng tingin nya kaya medyo napa tago ako sa likod ng best friend ko.

Pag tapos ng eksena na yun, nag lakad na sila ulit. At kami medyo mas mabilis para maabutan sina Jin. Nang mapadaan kami sa harapan nila Jennie napayuko nalang ako. Haaays! Hindi ko rin alam kung bakit nahihya ako sakanya nung mga oras na yun.

.

.

.

"Ang bilis nyo mag lakad!" Inis na sabi ni Jisoo.


"Ang bagal nyo e." Sabi naman ni Jin. Teka? Nag away nanaman ba tong dalawang to?

"Ts. Bakit ba tayo nandito?" Tanong ni Jisoo.


"Papalamig." Sagot naman ni Bambam.

"Sasamahan nyo kong mamili di ba?" Sabi ni Jin. Nasa loob kasi kami ng supermarket.

"Mamili ka mag isa mo." Pag sungit sakanya ng best friend ko.

"Bakit ba ang susungit nyong mga babae?" Tanong ni Jin na nakakunot yung noo.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now