Chapter 51: Quarrel

1.2K 21 0
                                    



BAMBAM's POV

Dalawang araw na hindi pa pumapasok si Lisa. Ano na Kaya nangyare sa bugok na yun?


Hindi naman namin sya mapuntahan dahil sa dami ng ginagawa ko. Aral sa umaga, training sa hapon. Si Jungkook naman, may pinaasikaso sakanya yung Papa nya. Si Jin? Pumapasok naman, pero bigla bigla nalang nawawala.




Yung mga girls naman. Si Jisoo, may trabaho na kasi sya kaya busy din pag tapos ng klase. At ang pinakamalapit, si Chipmunk. Hindi ko sya maabutan sa CJU. Dalawang araw ko na din syang hindi nakikita. Haaaays.




Mukhang nag sarili sarili na ang lahat ah? Namiss ko na sila kasama. Kaya eto ngayon...



"Bambam!" Sigaw ni Jungkook mula sa kusina nila.




"Ano?" Tanong ko.



"Sigurado ka bang pupunta sila?" Tanong nya.




"Ewan ko." Sagot ko. Nasa kusina kasi sya, nag luluto ng pagkain ng barkada. Tinext ko kasi sila na pumunta dito kina Jungkook ngayon. Kaso walang nag reply.




"Anong meron dito?" Tanong ng kakarating lang na si Jisoo.



"Oh, ba't di mo kasama si Rosé at Lisa?" Tanong ni Jungkook pagkalapag nya nung niluto nyang popcorn, nuggets saka fries.




"No comment." Sabi nya.




"Inaway nya." Tanong ng kakarating lang na si Jin.




"Ewan ko ba dun! Ilang araw na kong di kinakausap." Sabi ni Jisoo.



"Tampo lang yun." Sabi ko.



"Ikain nyo na nga lang yan." Sabi ni Jin saka na kumuha nung nuggets.



Maya maya pa dumating na si Rosé.




"Oh nasan yung bugok?" Tanong ni Jungkook.





"Papunta na. Badtrip yun e." Sagot ni Chipmunk na parang wala sa mood.





"Bakit?" Tanong ni Jin.



"Ewan ko? Kahapon pa yun tag sungit." Paliwanag nya.




"Baka meron?" Sabat ko.




"Baka nga." Sagot nya. Mukhang pati si Chipmunk sinungitan ni Lisa halatang halatang wala sa mood tong kapatid nya e.


Ilang minuto pa ang lumipas, nanunuod na kami ng movie habang inaantay si Lisa.



"Oh, anong kalokohan to?" Bungad sakin ng kakarating lang ng pinag uusapan namin.



"Maupo ka na lang." Sabi ni Jin.


Naupo naman sya sa tabi nito.



"Oh, inumin natin to." Sabi ni Jungkook hawak yung bote ng wine.



"Bakit anong meron?" Tanong ko.




"Sa pagsasama sama ulit natin." Sagot nya. Nag lagay naman sya ng anim na wine glass sa tapat namin at nilagyan yun nang tig kakalahati.



"Ang dami nyong alam." Kumento ni Lisa. Pero nakipag cheers din naman sya.



At tuloy tuloy na yung inom namin nung wine.




"Alam mo Bambam, bagay kayo ni Rosé." Biglang sabi ni Jisoo. Agad naman akong napatingin kay Lisa na kasalukuyang nakatitig kay Jisoo.




I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now