Chapter 73: Girlfriend

1.7K 29 1
                                    



            

LALISA's POV

"Ate! Ano ba dito yung madalas mong ginagamit?" Tanong ni Rosé habang nakataas sa kaliwa nyang kamay yung blue kong tshirt at sa kabila naman yung black na polo ko.

"Ano nanaman bang kalokohan yang gagawin mo?" Tanong ko sakanya. Kanina pa kasi tanong ng tanong sa mga ginagamit ko. Kulang na nga lang pati undies ko itanong nya eh. Hays.

"Wag ka ng maraming tanong Ate." Sagot nya at isinara na yung backpack ko at dinala sa baba.

"Hoy! Rosé, teka lang. Saan mo dadalhin yang mga gamit ko?" Tanong ko habang hinahabol sya pababa ng hagdan.

"Ang tagal nyo naman." Nakapout na sabi ng best friend ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pag dating ko sa sala.


"Gagala tayo. Ayaw mo ba?" Sabi nya. May dala din syang bag. Medyo Malaki din, mukhang mga damit din ang laman.

"Na may dalang mga gamit? Para naman tayong mag lalayas nyan." Sagot kong nakakunot yung noo.

"Kung gusto nyo, kayo nalang. Kasi ako, gusto kong mag pahinga." Dagdag ko pa at aakyat na sana.

"Ah, ganun ba? Sige, kami nalang. Sayang. Kasama pa naman si Jennie. Tara na nga Rosé!" Rinig kong sabi ni Chichu kaya napatigil ako. Tsk.

"Teka lang! Intayin nyo ko." Nasabi ko nalang at umakyat na para mag bihis. Hays! Alam talaga ng babaeng yun kung paano ako mapapapayag. Alam nyang hindi ko hahayaan na sumama si Jennie ng hindi ako kasama. Lalo na at wala akong kaide-idea kung saan sila pupunta. Mamaya ay marami palang unggoy dun at bastusin sila o kaya ay may gawing masama. Mahirap na kung wala ako. Mababaliw lang ako kakaisip kung okay lang ba sya. Kaya mabuti pang—

"Sasama ka ba o iiwan ka namin?!" Sigaw ni Jungkook na nakapag pabalik sakin sa Earth.


"Eto na nga oh. Sasakay na." Sabi ko at pumasok na sa van. Kasama pala tong tatlong bugok na to. Siguro hindi rin sila mapalagay sa binabalak nila Chichu.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hindi pa ba nasabi nila Rosé?" Tanong ni Jin na nakasandal sa backrest katabi ko.

"Hindi. Wala naman talaga yang balak sumama e." Sabat ni Chichu. Hindi ko makita reaksyon nya kasi nasa passenger seat sila kasama ang driver na si Jungkook.

"Bakit?" Tanong ni Bambam na humarap pa sakin nasa kabilang gilid kasi sya.

"Gusto kong matulog. Matulog ng buong araw. Ayokong mag gala ngayon. Parang may hindi magandang mangyayare." Sagot ko. Kanina pa kasi ako tinatamad.

"Ts. Easyhan mo lang Lisa. Pero, paano nyo napasama yan?" Tanong ni Jungkook habang nag dadrive.

"Oo nga pala. Nasan sila Jennie? Akala ko ba kasama sila?" Tanong ko ng maalalang sinabi nga pala yun ni Chichu kanina.

"Oh, Kookie. Sinagot nya na yung tanong mo." Sabi ng best friend ko.

"Excited nanaman si Lover Boy makita yung Baby nya. Hahaha." Pang aasar ni Bambam. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hahahaha." At nag tawanan na nga sila. Tsk. Nanahimik nalang ako at nag crossed arms.

"Wait ka lang Lover Boy este Lisa. Pupunta na tayo sa Baby mo este kina Jennie. Hahaha." Pag gatong ni Jungkook na ikinatawa nanaman nila. Haaays. Ano bang problema ng mga to?!

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora