CHAPTER FOURTEEN

3.2K 96 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN

ALLYZA stared at her phone. Hindi na niya kailangang kontakin si Jelson dahil pagbukas niya ng cellphone niya ay pumasok kaagad ang tawag nito.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Inayos niya ang boses. Pagkatapos ay sinagot ang tawag nito.

"Hello--"

"Finally! Allyza, where are you? Kahapon pa ako tawag ng tawag sa iyo! Alam mo bang alalang alala ako sa iyo? Ilang beses kang tinanong sa akin ng daddy mo."

Napasimangot siya sa huling sinabi nito pero kaagad niya ring inayos ang sarili. She needed to be sweet at him.

"Honey, kailangan ko lang talagang takasan si Daddy. Sorry kung hindi kita na-contact kaagad. Nawalan kasi ng charge ang phone ko. Kaka-charge ko lang ngayon." Gusto niyang mapangiwi sa OA na ka-sweet-an niya.

Effective naman iyon dahil lumambot ang boses nito. Dinig niya ang buntong hininga nito.

"Ayos ka lang ba d'yan? Nasaan ka ba kasi? Pupuntahan kita. Mamamatay ako sa pag-aalala sa iyo, eh."

"I'm fine here, Hon. Sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Ayaw ko pang umuwi. Papaulanan lang ako ng sermon ni Daddy."

Hon? Mas madulas sa bibig niya ang endearment nilang baby ni Mackey.

"Sasamahan kita. Just tell me kung nasaan ka, Honey."

"No need. Ayos lang talaga ako dito--"

"Allyza honey, please? Para sa ikatatahimik ko."

Napabuntong hininga siya. Kung sabihin niya kayang narito siya sa magarang isla na ito, masusundan kaya siya nito? Malamang hindi. Bukod sa mahal na entrance fee ay sobrang mahal din ng membership doon. Kahit na ba sabihing maykaya rin ito. Tama, sasabihin na nga lang niya ang totoong lokasyon niya.

"Okay. Basta, kahit ano'ng mangyari huwag na huwag mo akong isusumbong kay Daddy, ha?"

"You can count on me, Ally honey."

Napaismid siya. Mas maganda ang Ally baby ng baby niyang si Mackey.

"Nasa Hyacinth Island ako."

"Hyacinth-- what? Ano'ng ginagawa mo d'yan? Sino'ng kasama mo?"

"Hey, relax. Isinama ako ng kaibigan ko sa kabilang university."

Nakita niyang lumabas si Donita sa banyo. Nagpupunas pa ito ng basang buhok.

"Ally, magvi-videoke-- Ay, may kausap ka pala sa phone. Mamaya na lang." Naupo si Donita sa kama nito at ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng buhok.

Tinanguan niya lang ito at nginitian.

"Sino'ng kaibigan? Siya ba ang kumausap sa iyo d'yan?" usisa ni Jelson. Narinig pala nito si Donita.

"Ah, oo. Si Donita. I'm fine here. Don't worry about me--"

"Pupuntahan kita r'yan."

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya pwedeng masundan ng kulugong ito dito!

At paano ang bonding namin ni Mackey baby?

"What? Jelson, you can't--"

"I can, Honey. Bago pa lang tayong mag-on. Ayoko namang hayaan ka mag-isa d'yan. Baka ipagpalit mo pa ako. Mahirap na."

Kung alam mo lang...

Tahimik na nagpaalam siya kay Donita at lumabas ng silid upang maayos siyang makapagbolahan sa lalaki.

The Rebel Slam 5: MACKEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon