CHAPTER FOUR

3.8K 88 1
                                    

CHAPTER FOUR

"KALOKA ka, girl! Ikaw na talaga!"

"Hindi pa natin napag-uusapan ang plano, naka-first base ka na! Idol!"

Napangisi si Allyza at maluwag na tinanggap ang papuri nina Marney at Kayra. Nang magkita-kita sila sa VJ's bar nang gabing iyon ay ikinwento niya sa mga ito ang nangyari nang hapon na iyon. She even brought the violet shirt that Mackey gave her.

They were all eighteen kaya legal na sila sa lugar na iyon. Actually, doon ang venue ng girl's night out nilang tatlo mula nang tumuntong silang lahat ng legal age.

"Maganda ako, eh," buong pagmamalaking sabi niya. "Besides, friends kami ng girlfriend ni Clyde. Sumakto pa na hindi kasama ni Mackey si Alyanna at wala siyang partner. They asked me to be his partner. Generous naman ako so..."

"Wala nang paki-pakipot, pumayag ka kaagad na maka-partner ni Mackey baby," taas ang mga kilay na dugtong ni Kayra.

Lumawak ang ngiti niya. "Yep. Alangan namang palagpasin ko ang pagkakataon."

"That's our girl!" Nakipag-apir sa kanya si Marney.

"Hay, sige na. Ikaw na ang the best," wika ni Kayra. Sumimsim ito sa cocktail drink nito. "Feeling ko wala pang one week, kayo na."

She chuckled. "Magdilang-anghel ka sana."

"So, ano'ng nangyari sa date na iyon?" usisa ni Marney.

Napatitig siya sa cocktail drink niya at inalala ang nangyari. Napangiti siya.

"Masaya. Puro sila kalokohan. Biruin niyo, may pagkakalog pala ang mga myembro ng bandang iyon. Lalo na ang mga girlfriends nila. Epic!" Naalala niya ang makulit na si Jazmine habang nilalambing ang tahimik na si Kyle, si Krizhia na laging ina-under si Aser, sina Grendle at Donita na laging magka-duet kahit hindi gaanong kagandahan ang boses ng huli, and, of coarse, ang mga corny'ng banat ni Clyde kay Nhica. Hindi niya mapigilang hindi tumawa. Feeling niya masayang maging kabarkada ang mga ito.

"Hindi tungkol sa banda ang tinatanong ko. Anong nangyari sa inyo ni Mackey?"

Napatingin siya kay Marney. "Kami ba? Wala pa namang nangyayari--"

Pinandilatan siya nito.

Natawa siya. "Naglaro kami ng basketball sa Sharp Shooter, nagpagalingan sa Car Racing, naglaro ng iba pang video game, we even dance in Dance Craze. Lahat iyon, ako ang nanalo. Ang galing ko, ano? Wala siyang binatbat!" pagyayabang niya.

Nang balingan niya ang dalawang kaibigan ay nanlalaki na ang mga mata ng mga ito. Hindi yata makapaniwala na natalo niya ang lalaki.

"Nagsayaw si Mackey?" si Kayra.

Mali pala siya ng hinala.

"Oh my! Dapat tinawagan mo man lang ako!" Kulang na lang ay dambahin siya ni Marney.

Halatang inggit na inggit ang dalawa. Siya ay napakunot ang noo.

"O, bakit parang shocked kayo na malamang sumayaw si Mackey?"

"Wala lang, we never expected that he dance. You know, pagtugtog lang ang nakikita namin sa kanila. Sumayaw din ba ang ibang member?" ani Kayra.

"Uh-huh."

Mas lalong nainggit ang mga kaibigan niya.

"Dapat v-in-ideo mo! Kainggit 'to!" si Marney.

"Next time na may date na ganyan, i-text mo kami! Kahit harangan kami ng sibat ng prof namin, pupunta kami!" si Kayra.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now