CHAPTER NINE

3K 84 0
                                    

CHAPTER NINE

IMPOSIBLE. Kunot noo pa rin siyang nakatingin kay Alyanna.

"Bakit ganyan ang hitsura mo, Mackey? Have you met her?" takang tanong nito.

Tumango siya. Kinatitigan niya si Alyanna. "Allyza Castro, right?"

"Yes."

"She was Nhica's friend." Napailing siya at tumawa. "I can't believe this! Bakit hindi kayo magkamukha?"

She smiled. It was very different on Allyza's smile. May halong kapilyahan at pagkaismarte ang ngiti ng huli.

"Maybe because of her make up? And our skin. And our hair." Hinaplos nito ang mahaba, tuwid at itim na itim na buhok nito. Ang buhok ni Allyza ay may pagka-wavy at maiksi, bukod pa sa kulay niyon. "Magkamukhang-magkamukha kami noong mga bata pa kami. Until Allyza changed her looks."

Napatingin siya sa kulay ng balat nito. Mas maputi ito kumpara kay Allyza pero hindi rin naman masasabi na maitim ang huli. Actually, bumagay pa nga rito ang kayumangging kulay nito.

"You're eyes were different..."

"Ang alam ko, nagko-contact lens si Ally. Brown talaga ang kulay ng mga mata niya tulad ng mga mata ko."

Napatangu-tango siya. Kung wala ba ang makapal na make-up ni Allyza ay kamukha na nito ang kakambal nito? Hmm. He wondered.

Saglit na pinag-aralan niya pa ang hitsura nito.

"Hey, Mackey. Stop staring me like that," namumula nang sabi nito.

Napangiti siya nang sa wakas ay makakita siya ng pareho sa mga ito. "Your ears were the same and the shape of your face."

Tumawa ito. "Of coarse. We were twins, remember? Let's go?"

Naglakad na ulit sila.

"You seemed interested with my twin."

"Hindi naman. Nakasama ko lang siya sa lakad ng banda. Lumabas din kami ng kami lang..." Naalala niya ang nangyari noong Sabado. He couldn't help but smile. Hindi niya akalaing ang tulad nitong babae ay may malalim na opinyon sa mga bagay-bagay. Saka, nagagawa nitong tapatan ang lahat ng jokes at ginagawa niya.

"You're dating?" waring gulat na bulalas nito.

Bumaling siya dito. "It's not really a date. It's a rematch. Naglaro kami sa Timezone. Why, bawal ba kung sakaling i-date ko siya?" biro niya pa rito.

Nakakunot pa rin ang noo nito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umiling ito. "She can date whoever she wanted. Wala akong magagawa doon. Pero nag-aalala ako para sa iyo."

Hindi niya alam kung seseryosohin ito o tatawa. "Why on earth are you worried on me instead of your twin? Alam mong wala pa sa isip kong magseryoso kaya dapat siya ang alalahanin mo."

"You don't know her, Mackey. She can make any guys fall for her then she'll break them. Notorious sa school nila ang kapatid ko. Kapag pinagtuunan ka niya ng pansin, and you fell for her, tapos ka na."

Natigilan siya. Naalala niya nang sabihin ni Allyza na masama ito. Napailing siya. Hindi siya kumbinsidong masama ito. "Playgirl siya?"

"No? Yes? I don't know. Hindi ko rin alam kung sineseryoso niya ba ang mga lalaking iyon. I pity them, you know. Ayaw kong pati ikaw ay mabiktima niya."

Naiiling na nagkibit-balikat siya. May parte ng utak niya ang nagsasabing huwag maniwala dito.

"That's not going to happen, okay? Ang kapatid mo dapat ang paalalahanan mo tungkol sa akin."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now