CHAPTER THIRTY-EIGHT. Part 2

2.7K 80 6
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

Part 2

"SANDALI! Huwag niyo siyang idamay dito!"

Natigilan ang tatlong babae. Nabibiglang tumingin ang mga ito sa babaeng humarang na iyon. Pagkuwa'y sa kanya. Napakunot ang noo ng mga ito.

Maging siya ay nabigla rin habang nakatingin sa nakatalikod na babaeng iyon sa kanya. It's Alyanna. Pero ang nakapagpanganga sa kanya ay ang maikling buhok nito na may highlights na brown.

What the—

Wala sa loob na nahawakan niya ang sariling buhok. Mas maikli pa iyon sa buhok niya.

"Hindi siya kasali dito kaya, please, huwag niyo siyang idamay."

Tsk. Buhok lang ang nag-iba dito. ang pagsasalita nito at pagkilos ay malaanghel at mahinhin pa rin.

"You?!"

"Bakit magkamukha kayo? Kambal ba kayo?"

"Magkaiba ang kulay nila, Chelsea."

"Malay ko ba kung nagpa-tan lang ang babaeng iyan?"

Umangat ang isang kilay niya. Hanggang ngayon, skin tone issues pa rin ang nagbubukod sa kanila ng kakambal.

Buwisit!

Hinarap si Alyanna ng babaeng tinawag na Chelsea ng kasama nito. Ito ang girlfriend daw ni Anthony.

"At talaga ngang nandito ka? Sinabi ko nang huwag ka nang magpapakita sa akin at kay Anthony!"

"Sorry. But I need to see him. I want to talk to him."

Why does she have to say 'sorry'? At talaga bang hindi ito magbabago na kapag galit ang kaharap nito ay yuyuko na lamang ito?

"Sorry-hin mong mukha mo! Stay away from my boyfriend! Or else..."

"Handa akong tanggapin lahat. Makausap ko lang siya—"

Hindi siya nakahuma nang umigkas ang palad ni Chelsea at dumapo iyon sa pisngi ng kakambal. Pakiramdam niya, siya ang sinampal nito. She felt weird. Hindi niya alam kung bakit parang namanhid siya. Kita niya ang pagtulo ng luha nito habang nakatungo pa rin. Damn it! Hindi ba ito lalaban?

"Iyan, tanggapin mo! At hindi pa ako tapos sa iyo!" Hinablot nito ang buhok ni Alyanna. Nakitulong pa ang mga kasama nito sa pananakit sa babae.

Imbes na matuwa sa napapanood, hindi niya mapaniwalaan ang sarili dahil hindi tuwa ang nararamdaman niya ngayon. Kabaligtaran niyon.

Naalala niya ang sinabi ni Mackey kanina.

"...Ang alam ko lang ay hindi iyon ginusto ng kapatid mo. Nahihirapan din siya sa pamilya ninyo. Tulad mo. Pero wala siyang lakas para suwayin ang daddy ninyo tulad ng ginagawa mo. If you just give her a chance. Hindi siya kasinsama ng iniisip mo."

Hindi niya alam kung bakit iniisip niya ang tagpong iyon.

She looked at Alyanna. Nakalugmok na ito at pinagtutulungan ng tatlo. Naisip niya, pareho lang ang sitwasyon nilang dalawa ngayon. Hinahabol ang lalaking mahal nila.

"... Tulad mo..."

Before she knew it, hinahatak na niya palayo sa kakambal ang tatlong babaeng iyon at isinasalya sa parking lot na nasa harapan ng restaurant. Ang babaeng sasampal sana dito, si Chelsea, ay hinatak niya paharap sa kanya at pinatikim ng isang malutong na sampal bago itinulak sa mga kaibigan nitong iniinda na ang pagkakahagis sa sementadong daan.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now