CHAPTER ELEVEN

3.4K 94 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"ALLYZA?"

Napatigil siya sa pag-iisip ng mga kalaswaan nang tawagin siya ni Mackey.

"Bakit?" Lumapit siya dito para marinig nito ang sinasabi niya.

"Kapatid mo pala si Alyanna?"

Saglit na nagulat siya sa tanong nito. Paano nito nalaman iyon? Aside of coarse sa parehong surname nila ng kakambal. Umamin na lang siya.

"Twin sister ko siya. Ngayon mo lang nalaman?" kunwari'y sabi niya.

"Oo, eh. Alyanna told me. Nabigla nga ako dahil hindi naman kayo magkamukha."

Napangiti siya. "Syempre, mas maganda ako, eh."

Tumawa ito. Batukan niya kaya ito? Pagtawanan ba ang kagandahan niya?

"Pareho kayong maganda. Kambal kayo, eh."

Tuluyan na siyang napasimangot habang nakatingin sa mukha nitong natatakpan ng helmet.

Bad trip 'tong lalaki na ito. Hindi na lang siya sumagot at pairap na inilipat ang paningin sa daan.

She heard him chuckled. Napatingin siya sa side mirror. Saktong sumulyap din ito doon kaya nagkatama ang mga mata nila. Inirapan niya ito bago ito makabaling sa daan.

"Sige na nga. Mas maganda ka na."

"Napipilitan ka lang kaya huwag ka nang magsalita r'yan."

"Kasi naman, hindi ko makita ng maayos ang mukha mo dahil sa make up mo."

"May problema ka ba sa make up ko, 'dre?" asar na sabi niya.

"Wala po, boss!"

"Badtrip ka!"

"Okay lang, gwapo naman."

"'Kapal! Ang hangin dito, ano?"

"Nilalamig ka? Higpitan mo pa ang yakap mo. Don't worry, para sa iyo, libre iyan."

"Huwag na. Tama na ang hangin dito sa highway. Baka lalo akong liparin sa kahanginan mo."

Malakas na tumawa ito. Asar pa rin siya nang makarating sila sa isang malaking bahay. Punong-puno ng ilaw ang paligid at halatang may nagkakasayahan sa loob.

Tumingin siya sa orasan sa cellphone niya. Wala pang alas syete. "Maaga pa yata para sa party."

"Don't worry, nand'yan na sa loob sina Grendle." Nauna na itong bumaba sa motorsiklo. Akala niya ay iiwan siya nito pero humarap ito sa kanya at ito ang nag-alis ng helmet niya. Isinabit nito iyon sa tabi ng helmet na hinubad nito. Inalalayan din siya nitong bumaba.

"Wow, gentleman ka yata ngayon? Ano'ng masamang hangin ang nasinghot mo?" pansin niya nang pati ang paghuhubad ng jacket ay tinulungan siya nito.

"Bumabawi lang. Na-badtrip ka sa akin kanina, eh." Hindi naman pala ito manhid. Tumalikod ito saglit para ibalik sa compartment ang jacket nito.

"O, sige, kung talagang bumabawi ka..." Hinintay niyang humarap ito sa kanya. "Sabihin mong mas maganda ako kay Alyanna."

Napangiti ito. Kinagat pa ang pang-ibabang labi. Kita niya sa mga mata nito ang hindi maitagong amusement. Kung hindi lang siguro siya nakasimangot ay tatawa ulit ito.

Siraulong ito! Pasalamat siya at cute siya sa ginagawa niya. Pero hindi niya pa rin maiwasang magsintir.

Hindi niya alam pero may naramdaman siyang kurot sa dibdib. Hindi ito makapag-decide ngayon dahil, malamang, nagagandahan din ito sa kakambal niya. Samantalang noon, naaamin nito kaagad na maganda siya.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now